22

3 1 0
                                    

22

Napahawak ako sa ulo ko dahil naramdaman kong parang nababasag ito.

"Ahh..." Mahinang daing ko bago dahan dahan iminulat ang mata ko.

Napatingin ako sa paligid. Nasa kuwarto ako. Sa kuwarto ko to be specific.

"Gabriela? Can you see me?"

Naramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kamay ko kaya napatingin ako sa gilid ko.

Ang saya naman dahil kapg tuwing iminumulat ko ang aking mata siya agad ang bumubungad.

"Sabi sayo dapat dinala natin siya sa ospital!" Rinig kong boses ni Choi.

What time is it anyway?

Unti unti akong tumayo na inalalayan naman ako ni Jin. I saw my mother to the other side.

"May kailangan ka anak?" Rinig kong tanong ni nanay habang hawak ang kabila kong kamay.

Huminga ako ng malalim ng nakaupo ako ng ayos.

"May masakit ba sayo Gabriela? Sabihin mo lang dadalhin ka namin agad sa ospital--- aray! Para san yung palo mo Heehul?!"

"Manahimik ka nga diyan, Choi!  Puro ospital bukanh bibig mo! Dun ka kaya namin ilibing?" Inis na sabi ni Heehul kay Choi. Hindi ko mapigilan matawa.

"What's with you? You can laugh?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jin. Siningkitan ko siya ng mata.

"Hindi naman ako tanga para hindi matuto tumawa." Inis kong sabi dito pero pinagalitan ako ni nanay.

"Gabriela yang bibig mo ah." Suway ni nanay.

"Nahimatay lang naging masungit na!" Pang iinis saakin ni Shina na inirapan ko.

Bakit nga ba ako hinimatay? At oo nga noh, wala ako sa ospital?

Mukhang nalaman ni nanay ang bumabagabag sa isip ko kaya agad ito sumagot.

"Sabi ng doctor pag hinimatay ka ulit, pagpahingain ka lang sa bahay dahil yun at yun lang raw ang maisasagot nila saatin pag dinala ka sa ospital."

Tumango tango na lang ako. Hays pati si nanay nahihirapan ng dahil saakin.

"Are you feeling okay?"

"Ano oras na?"

Sabay kaming nagtanong ni Jin kaya hindi namin alam kung sino ang magsasalita.

"Sige ikaw muna."

"You first."

Napataas ako ng kilay dahil sa nangyayari.

"Ummm Gabriela... 3 na ng umaga at Jin... Mukhang maayos na naman si Gabriela... " Nag aalangan na sagot ni Chohuik.

Hindi ko alam pero para akong nainis bigla kay Jin. Parang ayoko makita siya ngayon.

"Tss... " Naiinis kong imik at kinuha kay Jin ang kamay ko.

"What's wrong with you?" Naguguluhan na tanong ni Jin.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon