30

3 1 0
                                    

30

Umuwi na ng masaya ang buong WTF. Pinagbaunan pa sila ni nanay ng pagkain para may makain sila sa apartment nila.

At syempre hindi magpapahuli si Jin na niyakap pa ako bago umalis.

Medyo nanigas ako sa kinatatayuan ko ng ginawa niya yon sabay takbo. Parang nakaw yakap ang ginawa niya.

Inasar asar naman ako ng WTF bago sila umalis.

"Yang si Jin mukhang seryoso sayo ah." Biglang sabi ni nanay nang makapasok kami ng bahay.

"Sana nay..." Tanging nasagot ko.

Nay ayoko na kasi maulit ang nangyari saamin ni Jiro. Pagkatapos namin paghirapan ipunin ang matagal naming pagsasama basta basta na lang namin ito binitawan. Ayoko mangyari yon dahil lang na out of love lang ang isa saamin.

Gustong gusto kong sabihin kay nanay yan pero wala din mangyayari kung sabihin ko man kay nanay ang mga kinakatakutan ko.

"Anak... Malaki ka na. At alam ko na alam mo na lahat ng sayang nararamdaman mo, may kapalit rin itong kalungkutan. Pag dumating ang araw na iyon, wag ka pa rin susuko. Labanan mo ito dahil makakamit mo ulit ang kasiyahan mong naudlot." Nakangiting sabi saakin ni nanay bago ako talikuran.

Bigla naman ako kinabahan. Don't tell me... Puwedeng mangyari na magkagulo sila Jin ng dahil saakin? Sila ang kasiyahan ko at puwede silang mawala nang dahil lang sa takot ko dahil sa nangyari saamin ni Jiro.

Gabriela, wag ka magpaapekto sa past mo. Ang past dapat ginagawang isang lesson at hindi para katakutan. Kaya ano ba Gabriela, cheer up! Parang sa kanta ng twice. Charap baby! Charap baby! HAHAHA

Nagligpit muna kami ni nanay ng kinalat ng WTF kanina. Sabi na nga ba at may tinatagi na kadugyutan ang mga yon eh! HAHAHA

P

agkatapos namin mag ligpit ni nanay ay nagpaiwan muna ako sa sala tapos si nanay ay nauna na sa kuwarto para matulog.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagpapaiwan ko dito at hindi puwede na magpagabi ako dahil may pasok bukas.

Siguro kaya nagpaiwan ako para mag-isio isip? Pero ano naman iisipin ko? Wala naman kaing assingments, quiz or what. New quarter na kami bukas so new lesson.

Nagulantang ako ng biglang nag ring cellphone ko. May tumatawag.

Hindi ko alam kung tama ba na sagutin ko ang tawag since unknown number ito. Hindi ko ugali sumagot ng mga unknown number.

Kaso may nagtutulak saakin na dapat ko daw sagutin.

Dahan dahan kong sinlide ang answer saka tinapat ito sa tainga ko.

"Hello---"

"Gabriela..."

Nanlaki ang mata ko dahil parang kilala ko ang boses na iyon.

My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon