Ath's POV
"Hello?"
"Jusko. Bakit ngayon ka lang tumawag?"
"Okay lang po ako sister. Napagod ako kahapon kaya di ako nakatawag." sagot ko.
"Hayss! Eto kapatid mo?"
Inaayos ko ang buhok ko at naka uniform na ko. Maaga pa naman kaso kailangan kong makabisado ang room ko dahil mahihirapan ako. Sobrang laki ng P.U. Hindi ko naman aakalain na sampung beses nilaki nito sa Paaralan namin sa Probinsya.
"Ate, Maganda ba jan?" Napangiti ako.
"Yea.Sayang wala ka"
"Okay lang yan ate! Basta mag aral kang mabuti. May pasok pa ko e. Alis na ko ah. Bye ate. Iloveyou"
"Iloveyou too. Mag iingat ka din Arn ah"
Binaba ko na ang telepono.
Wala akong dalang notebook o ano pa man. Di ko alam kung bakit. Basta papasok ako sa isang room at may upuan daw ako at nandun ang gamit ko. Binigyan din ako ng susi kung nasan ang locker ko.
Dahil scholar ako? Kailangan ko daw sumali sa sports. At ang pinili ko ay Swimming.Magaling akong lumangoy. Nun asa Probinsya kami? Madalas kami pumunta sa isang sagat at lumalangoy. Ako lang. Inoorasan ako ng kapatid ko. Kasi di sya pwedeng mag babad sa tubig.
May sakit sa puso ang kapatid ko. Mahina to at kailangan na talaga agapan. Buti nalang may libreng gamot sa lugar namin. Kaya hindi kami masyadong nahihirapan. Nahihirapan din ang kapatid ko. Madalas syang hikain dahil dun.
Hindi sya normal. Bawal syang maging masaya , Bawal din sya maging malungkot. Kailangan ay tama lang. Di sya normal at bawal sya maging Normal. Magiging masaya sya ng sobra pero aatakihin naman sya.
Nahihirapan din ako sa kanya pero hindi ko sya pababayaan kahit mag hirap na ko. Ganun ko sya kamahal. At kahit kailan? Hindi ko sya iiwan. Gagaling sya. Gagaling sya. Tatapusin ko ang pag aaral ko. Kailangan ko din mag hanap ng Parttimejob para may ipadala ako sa kanya.
Lumabas na ko ng Apartmet ko at sumakay sa elevator. Lumabas na ko dun at nag lakad na papunta sa P.U.
Sobrang lapit lang talaga. Wala pang limang minuto na pag lalakad ay makakarating ka agad dun. Mamayang uwian? mag hahanap na ko ng part time job.
Pumasok ako dun at pinakita ko ang I.D ko. Nag lakad ako sa mahabang lakaran at nilabas na ang mapa ko.
B1? Yan ang una kong subject.
English.
Agad ako nag lakad sa unang building. Madali lang to hanapin dahil may nakalagay na building building. Tulad nito? Pag labas mo sa lakaran ay bubungad sayo ang unang building. Bawat isang Building ay may apat na floor. Hindi ka gagamit ng elevator.
Puro hagdan to.
Pumasok agad ako dun na may ngiti sa labi. Kahit kinakabahan ako sa Firstday at pinilit ko parin ngumiti.
Sa tabi nito ay isang caf na dinaig pa ang resto. Pumunta agad ako sa isang Building na yun kung san ang firstsubject ako.
Umakyat agad ako sa hagdan. Mejo nilalamig ako dahil aircon pala dito. Hindi ako sanay sa ganun. Naka isang Mini skirt ako at longsleeve na uniform. Yung mejas ay hanggang tuhod at naka blackshoes ako.
Hindi ko pag kakaila na maganda ang uniform nila ang akin lang? Bakit ang ikli? Pwede naman mahaba. Pero dahil scholar lang ako. Wala akong karapatan mag salita.
BINABASA MO ANG
Atlhia (Kathniel)
AcakAthalia Bernado ang babaeng mataas ang pangrap, Ang babaeng masipag at laging nakangiti. Maganda, Simple ngunit lumaki sa isang ampunan. Hindi nakilala ang kanya mga magulang. Isa syang isang matalinong estudyante na gustong makapag tapos at mag kar...