Kabanata 15

679 15 0
                                    

"ARN, ARN? ANO NANG YARE?" 

Halos manginig ako ng makita ko ang kapatid kong nahihirapan. Binuhat sya nila Aerone habang ako ay tulala. Tuloy tuloy lang ang pag bagsak ng luha ko.

Pinasok sya sa Van ako naman ay napaupo lang.

"Kasalanan ko to" 

Tinakpan ko ang muka ko at tuloy tuloy sa pag hiikbi.

"Dapat di ko nalang sya sinama" Nanginginig kong sabi.


Hindi parin ako sanay na nakikita ko ang kapatid kong nag hihirap sa harap ko. Yung hawak nya ang dib dib nya habng nahihirapan. Yung nag hahabol sya sa pag hinga nya. Yung hindi nya na kakaya.

"Mag bihis ka na. Sumunod tayo dun sa hospital"

Kinuha ko yung tuwalya at pumunta sa likod kung san ang C.r Naligo ako dun sabay ng pag tulo ng luha ko. Hindi ko maiwasan mahirapan dahil sa sitwasyon nya. Dapat di ko na sya sinama e. Dapat pinaiwan ko nalang sya. Sobrang hirap ng makita ko ang kapatid ko na nasa ganun ang kalagayan.

Natatakot ako.

"Ath, He's okay now. Nag text sa phone mo si Aerone" 

Lalo akong naiyak dahil dun. Pano kung inatake ulit sya. Pano kung hindi na talaga sya makahinga ng maayos. 

Nang makarating kami sa hospital ay hindi agad ako pumasok sa room ng kapatid ko. Nakaupo lang ako sa harap ng room na to at tulala. Sobrang natatakot ako. Alam kong okay na sya, Pero nahihirapan akong makitang mahina sya.

"Ms. Bernardo, Sumunod ka sa opisina ko" Lumabas si Aerone ng room ni Arn at ako naman ay tumayo.

Ngumiti sya sakin. Ako naman ay hindi makangiti sa sobrang pag aalala.

"Samahan na kita" Tumango ako.

Hinawakan nya ang bewang ko at pumunta na kami sa opisina ng doctor ni Arn. Pumasok ako dun at umupo sa harap. Asa gilid ko naman si Aerone at hawak ang kamay ko.

Nag buntong hininga pa ang doctor sakin bago mag salita.

"Diba sabi ko naman sayo, Hindi sya pwedeng mabuhay ng normal?" tumango ako. "Pero bakit ginawa mo pa? Muntik na syang mamatay"

Naramdaman ko nanaman ang luha ko sa mga pisnge ko. Mula kanina, Di na to huminto. Sobrang natatakot ako. Sobrang nahihirapan ako. Sobrang sobra.

"Dalin mo na sya sa Manila, Ipagamot mo sya. Hindi biro ang sakit ng kapatid mo"

"P-pero wala pa po kaming pera doc, S-saka wala po syang matutuluyan sa manila" sagot ko. "Mag hihinto po muna ako at mag tra trabaho para sa kanya." dugtong ko pa.

"Mahirap mag desisyon. Priority ka ng kapatid mo at Priority mo sya. Hindi sya papayag sa gusto mo. Pumunta ka nalang sa anak ko dun sa Manila, Dalawa anak ko dun, Isang babae at isang lalake, Tatawagan ko sila, Pumunta na kayo dun sa madaling panahon dahil hindi kumpleto gamit dito, Mabait mga anak ko, Mababantayan pa nila kapatid mo"

"M-maraming maraming salamat po"

~

Pumasok na kami sa loob ng room ni Arn, Tumatawa si Arn habang nag aasarn sila kevin, Ako naman ay naka titig lang sa kanya.

"Bukas Arn, Pupunta tayong manila" panimula ko

"Huh? Bakit naman ate?" Ngumiti ako at umiling.

"Mag aaral ako dun. gusto kitang kasama" sagot ko pa. "Para mapalagay akong mabuti, Kasi pag malayo ka? Nahihirapan ako" dugtong ko pa.

Atlhia (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon