"AERONE" tawag ko dit na kadadating lang sya sa Unit nya. Dito ako nag hintay sa kanya. Di na sya bumalik sa school pag katapos nun.
Muka syang nagulat dahil nakita nya ko. Muka syang pagod. Hirap na hirap nyang idilat ang mata nya. Bigla nya kong niyakap ng mahigpit. Nararamdaman ko na stress sya. Niyakap nya lang ako ng mahigpit.
"Kumain ka na ba?" Ngumiti lang sya sakin at tumango.
"Matulog na tayo"
Hinila nya ko papuntang kama at niyakap. Hindi ako nag tanong tungkol sa pag alis nya, hindi ako nag tanong kasi natatakot ako sa sagot. Gusto ko sya na mismo mag sabi sakin. Gusto ko sya ang mag sabi sakin ng lahat. Ayokong pangunahan sya. Niyakap nya lang ako ng mahigpit. Niyakap ko din sya pabalik at hinalikan nya ko sa noo.
Nung sa susunod ng araw, Ay lagi syang tulala. Hindi ako makapag tanong kasi lagi nyang nipapalitan ang topic. Pansin na pansin din nila Nicolo yun. Ngumit lang sakin sila Nicole. Pero di ko maiwasan mag aalala dahil dun.
Hindi parin naiaalis ang sinabi sakin ni Ate kahapon about sa pag alis nya,
Flashback.
"Aalis sya" Wala sa sarili kong sabi.
"Para yun sa pag aaral nya. Dahil yun naman talaga ang kinagawian e. Dito kami nag ha-high school at dun kami mag c-college"
Di ko maiwasan maging malungkot dahil dun.
"You love him so much" napatingin ako kay ate at Ngumiti.
"Pano na kami ate?" Hindi ko maiwasan maiyak dahil dun.
He's my first, Firstkiss, Firstlove, First sex! Lahat sya. Binigay ko sa kanya lahat. Sumugal ako. Hindi ko aakalain na matatapos lang ng ganito.
"Wag kang mag isip ng kung ano. Mahal ka ng kapatid ko. Gagawa yun ng paraan" Tumango ako kay ate."Pero iba si dady. Gagawin nya lahat mapasama lang si Aerone" napapikit ako.
"Kaya nyo naman siguro yung Long distance" Tumulo na ang luha ko dahil dun.
Kaya ko ba? Bakit ganito. Bakit ang sakit naman. Bakit ganito kasakit. Di ba pwedeng kami nalang hanggang dulo. Bakit sumugal ako sa imposible. Bakit?
"Hindi ko po alam" diretso kong sabi.
"Kaya mo yan Ath. Nandito naman kami" Ngumiti ako sa kanila at tumango.
End of the Flashback
Nilangoy ko lahat ng iniisip ko. Sobrang na iistress ako sa nang yayare samin. Kung kailan kami na? Saka dadating yung ganitong problema. Akala ko ganito nalang yun. Huminga ako ng malalim at binagay ko lahat ng lakas ko sa pag lalangoy.
Nang umahon ako nakita ko si Nicole na mukang nag aalala.
"May party bukas sa bahay nila. Invited tayo" Binigay nya sakin ang isang Invition.
"Di ko alam kung para saan. Sumama ka daw samin sabi ni Ate Aida"
Mabilis akong pumunta sa locker ko at nag banlaw. Sinuot ko ang uniform mo. Pag labas ko ay nakita ko na din si Ate Aida dun.
"Let's go" Sumunod ako kay Ate at nakita ko sila nicolo na nasa labas.
Simula dumating ang dady ni Aerone, Di na sila ngumiti di na sila nag bibiruan.Sobrang nakakatakot ba talaga? Bakit para nakalimutan na din nilang ngumiti. Kahit ako naapektuhan sa nang yare.
BINABASA MO ANG
Atlhia (Kathniel)
RandomAthalia Bernado ang babaeng mataas ang pangrap, Ang babaeng masipag at laging nakangiti. Maganda, Simple ngunit lumaki sa isang ampunan. Hindi nakilala ang kanya mga magulang. Isa syang isang matalinong estudyante na gustong makapag tapos at mag kar...