"Mag commute nalang tayo. kesa dali mo pa yung kotse mo"
"Eh! Dali na natin"
"Wag na! Tara na"
Hinila ko sya at agad akong tumawag ng taxi. 5Am palang pero nandito kami at nag tatalo. Gusto nya idrive ang kotse nya pero hindi ko pinayagan. Kasi ang haba ng byahe.
"Almost 5 hours ang byahe. Alam mo ba? Tapos konti lang tulog natin" inis kong sabi.
"Ako naman yun e. Ngayon lang ako mag dra drive ng malayo. Tapos ayaw mo kong payagan" nag tatampo nyang sabi.
"Pag dating natin. Pahinga tayo. Tapos pupunta tayong simbahan."
"Eh. Hotel ba tayo?" Umiling ako.
"Sa kwarto ko tayo. Maraming kwarto dun sa Ampunan kaya hindi mo kailangan mag hotel. Kahit walang nag dodonate dun May pinag kakakitaan kami"
"Walang nag dodonate"tumango ako. "Eh paano pag kain ng mga bata dun?" tanong nya pa.
"May karinderya sila sister malapit sa simbahan. DInadayo kasi ang simbahan samin kaya ganun. Then nag titinda din sila sister Jhen ng mga kandila At may isang sister din kami na nag tra trabaho sa ibang bansa para sa ampunan"
"Wow! Masaya siguro sa ampunan nyo?" Tumango lang.
"Hindi lang masaya. Lalo na pag naka close mo pa sila sister. Hindi naman kasi kami close sa mga kasing age namin dun " sagot ko.
"Hala bakit?"
"DI ko alam. Madalas akong ibully dun. Siguro dahil ako favorite nila sister" napa 'Ahh' naman sya.
"Dun tayo matutulog sa isang malaking kwarto. Meron dun anim na up and down na kama. Wag pala sa kwarto " sagot ko.
"Okay."
Nakang mkarating kami sa terminal ay agad kaming bumili ng ticket. 5:30 Am kami nakarating. Himihikab pa kami habang inaayos ang gamit namin. Sumakay na kami sa Bus ng mag katabi.Pinikit namin ang mata namin dahil sa antok.
~
Aerone's POV
"Fuck! Ba't wala sila?" Inis kong sabi habang nandito ako sa room
"Ahm. Mr. Padilla. Sa pag aalam namin inexempted nyo ang dalawa dahil uuwi ng probinsya for 6 nights and 7 days?"
"What?!" Nautakan ako ng dalawa. "Okay" Tumayo ako at humarap kela bryan " Let's go" Bigla naman nag apiran ang dalawa.
"Mahabang vacation to" masiglang sabi ni kevin.
Nag tawanan naman silang dalawa.
"Panggasinan Manaog diba?" tanong ko sa kanila.
"Oo sabi ni Nicole. Kagabi nga parang balisa sa kwarto yun e. Ayaw ba naman akong papasukin. Ayun pala ayaw nilang magsama" naiiling na sabi nito.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang butler ko.
"Kumuha ka ng isang Van, Bigay mo sakin ang susi mag babakasyon kami. " Binaba ko ang cellphone ko tinignan sila.
"Umuwi muna kayo. Kmuha kayo ng gamit at mag kita kita nalang tayo sa harap ng gate" Tumango sila sakin.
Pumunta ako ng parking lot at pumasok sa Van Nakita ko si Butler na nakangiti sakin. Umuwi agad ako at pumasok sa bahay.
Tinext ko ang tatlo na wag mag dadala ng kotse.
BINABASA MO ANG
Atlhia (Kathniel)
RandomAthalia Bernado ang babaeng mataas ang pangrap, Ang babaeng masipag at laging nakangiti. Maganda, Simple ngunit lumaki sa isang ampunan. Hindi nakilala ang kanya mga magulang. Isa syang isang matalinong estudyante na gustong makapag tapos at mag kar...