Kabanata 39

767 10 1
                                    

Bumangon ako ng maaga, Pero di ko ginising ang mag ama ko. Nag text ako sa doctor kahapon na mag papa citiscan ako. Pumayag naman to. At sinabi ko na kahit ano ang lumabas wag sabihin sa Fiance ko.

Kaya nang makarating agad ako sa hospital at dumiretso agad kami sa cityscan. Kinakabahan ako habang naka higa dito, Hindi ko alam ang mang yayare. Natatakot ako sa magiging resulta. Marami silang tinanong sakin.

Kung kailan pa daw sumasakit ang ulo ko, Sya din pala yung naging doctor ko nung sinugod ako dito. Nakita nya daw ang pag aalala sa mata ng fiance ko na takot akong mawala. Ngumiti lang ako sa kanila.

Pinikit ko ang mata ko habang papasok na ko sa loob,Natatakot ako sa maaring mang yare. Sandali lang tinagal ko dun sa loob.

Nang matapos na yun ay agad ako pinapasok sa loob, Nakita ko naman ang pangamba ng doctor sakin. Pinaupo nya ko sa harap nya at nag buntong hininga.

Halos mawalan ako ng dugo dahil dun. Hindi ko mapigilan maiyak sa narinig ko.

Hindi ako makapaniwala sa nang yayare. 


"Hematoma?"

"A-ano po yung doc?" 

"Ang hematoma ay koleksyon ng dugo sa labas ng daluyan ng dugo. ... sanhi ng trauma sa mga artery sa pagitan ng bungo at ng dura mater ng utak. ... dami ng pagdurugo, mas malaki din ang pormasyon ng namuong dugo. Yun ang sanhi ng madalas na pag sakit ng ulo mo at malaki ang posibilidad na nakuha mo yan nung napukpok ka ng Vase"

Tuloy tuloy ang luha ko ng papasok ako sa kwarto. Tinignan ko ang anak at Fiance ko na nakahiga at tulog parin.

Kaya ko ba silang iwan? Bakit ganito. Bakit kung kailan masaya na ko saka to sisingit. Bakit kung kailan pwede na saka pa ko mag kakasakit.

"Doc anong pwede kong gawin?"

"Operasyon, Hindi yan makukuha sa gamot mo. Kailangan mo ng operasyon, "

"Hindi po ba delikado yun dahil " tumango lang sya.

"Delikado to, Pero pag maganda ang operasyon makakaligtas ka, Malaki ang posibilidad mo na makaligtas pero pag maselan ang pag oopera sayo, Maaring mauwi ka sa comatose at maari din na hindi ka na magising" Tinakpan ko ang bibig ko habang inaalala yun/.

Dala ko ang envelop na nalalaman ng reuslta. Binaba ko to sa sofa at lumapit sa mag ama ko. Pinunasan ko ang luha ko at pumatong kay Aerone. Mukang nagising ko naman si Aerone dahil dun. Humiga lang ako sa taas nya at pumikit.

"Aga mo nagising anong oras na ba?" Tanong nito sakin.

"10 Am na" sagot ko sa kanya.

Gumilid naman sya at napa gilid din ako. Niyakap nya ko ng mahigpit at siniil ng mahabang halik, Isang halik na ramdam na ramdam mo ang pag mamahal, Isang halik na kahit kailan hindi ko makakalimutan, Isang halik na dadalin ko hanggang sa kamatayan.

"Shit. Bakit ka umiiyak?" Napadilat ako dahil dun.

Pinunasan nya ang luha ko sa saking pisnge.

"Why?" Umiling ako at ngumiti.

"Sobrang saya ko lang, Kasi nandito ka sakin at si Andy" sagot ko sa kanya.

"Akala ko kung ano na, Nag aalala ako ah" ngumiti ako at ako naman ang sumiil ng halik sa kanya.  "Hindi ako makapag hintay na ikasal sayo" Masayang sabi nya.

"Me too, Kaso pag graduate ko pa" sagot ko sa kanya.

"No way! Di pa pwedeng ngayon " natawa naman ako ng mahina.

Atlhia (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon