Kabanata 5

740 25 0
                                    

"Okay ka lang?" 

"Oo nga. Hayss. Kalmot lang yan oh" sabay pakita ko sa kanya ng mga braso ko.

"Kahit na! Kita mo may mga pasa ka"

Napailing ako kay Nicole.

"Bakit kasi di mo nilabanan?" inirapan ko sya at naunang mag lakad. "Walang pasok bukas. San ka pupunta?"

"Mag hahanap ng part timr job" sagot ko at nag lakad nalang paalis sa clinic. Pero napahinto ako ng nakita ko si Aerone na nakaiwas ang tingin sakin.

"BAKLA" Sigaw ko

"HAYSS! TOMBOY"

Mabilis akong umalis dun kahit masakit ang braso ko. Buti nalang walking distance lang ang apartment namin dito kaya di ako mahihirapan umuwi. Tapos bukas na bukas. Hahanap na ko ng trabaho.

Kailangan ko din mag parttime para sa kay Arn.

Nang makarating ako sa lakaran ay nakita kong walang ilaw dito. Hindi naman madilim pero parang kinakabahan ako.

"Natatakot ka?" Nagulaty ako sa biglang nag salita sa likod ko.

"Hindi. May nararamdaman akong kakaiba" natawa sya ng mahina dahil dun.

"Sabay na tayo"

Nauna akong nag lakad sa kanya pero ramdam kong nasa likod ko sya. Walang nag salita samin habang nag lalakad ako. Pero feel ko safe ako dahil isa sya sa B4. Hindi siguro ako kakantiin ng mga tao dito pag kasama ko si Bryan.

"Wag nyong ituloy yan" Napalingon ako sa kanya.

May lumabas na mga lalakeng estudynate na may dalang balde.

Umalis lang sila ng mabilis.

"Bakit mo pinigilan?" 

"Madadamay ako sa bubuhos nila. Ayokong marumihan uniform ko" sagot nito habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa.

"Dapat ba ko mag pasalamat Bryan Del fier" malamig na tugon.

Ngumiti lang sya sakin at sumandal sa poste ng lakaran. Biglang nag bukas ang ilaw at lumiwanag. Well, Maliwanag naman kanina pero ngayon mas lumiwanag.

"Athlia Bernardo, isang babaeng galing sa ampunan. Kakaiba ka" Ngumisi lang ako.

"Hindi ako kakaiba. Sadyang di lang ako yung babaeng katulad nila" 

Tumalikod na ko ang nag lakad palabas. Ngumiti sakin si Manong guard pero ako tuloy lang na lumabas. Nag lakad na ko papuntang apartment ko. 

Pumasok agad ako sa elevator at pumikit.

"Hanggang kailan ako mag papanggap na malakas?"

~

Aerone's POV


"Mapaiyak ko lang yung babaeng masaya na ko e!" 

"Seriously pre?! Mapaiyak. Mukang malabo ah" sagot nio Nicolo sakin.

Sabado ngayon at eto kami nandito sa kwarto ko at nag pla plano kung pano mapaiyak ang babaeng yun. Hayss! 

"Mali ka jan! Mapapaiyak ko yun sa lunes" 

"GoodLuck" napatingin ako kay Bryan dahil dun.

"Hays! Ikaw bryan? Bakit ba di mo ko suportahan?" 

"Di na tayo bata aerone na pwede kang mag paiyak. Mula bata tayo ginagawa mo yan. " sagot nya pa.

"Naka hanap ka lang ng katapat mo pre" Napatingin ako kay Kevin habang hawak ang cellphone. Pumunta ako dun at agad kong kinuha yun.


Atlhia (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon