Pag katapos ng araw na yun ay nag karoon kami ng Movie Marathon, Buong mag hapon sila dun kahit si andy ay ayaw humiwalay samin, Si Arn naman ay akala kong umalis pero hindi pala. Tulad ng ginawa nya nung gabi sa party binantayan nya ko.
Mejo awkward pero nanaig naman ang saya namin. Tumatawa kaming lahat pag kumakanta si Andy dahil nalilito si Andy sa Letter 'T' and K. Tinuruan naman to nila Aerone. kahit labag sakin ay pinabayaan ko. Alam kong nag titimpi si Arn sa kanya. Pero hinahawakan ko lang si Arn at napapapikit. Alam ko ang nararamdaman ng kapatid ko. Sobrang nag hirap ako kay Andy. Masaya pero nag hirap ako. Lalo na't nalaman ni Arn ang totoo nun. Sobrang laki ng galit nito dito.Kahit ako naman hanggang ngayon.
"Ath? Wag ka na gumanti? Pinag kait mo nasa kanya ang anak nya gaganti ka pa ba?" napatingin ako kay Nicole.
Yes. She's right. Siguro wag ko ng isipin yung revenge na yun.
"Yeah. You're right. Siguro nga"
"Ganyan nga Ath, Wag mong hayaan balutin ka ng galit" tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Oh kayo ni Kevin?" tanong ko dito.
"Hayss! Handa na ko lumagay sa tahimik pero sya, Mukang wala pang balak. " Nalungkot naman sya dahil dun.
"This past few days mukang busy sya. Hindi na sya madalas nag paparamdam e" huminga ito ng malalim at pumikit.
"Baka nga busy sa work nya. Alam mo naman diba?" Tumango lang ito sakin.
"Pero miss na miss ko na sya. Pinuntahan ko minsan sa Trabaho nya sabi ng Secretary nya may Meeting"
"Busy kasi! Try mong tawagan mamaya" tumango ito sakin.
"Osya! Alis na ko. May work pa ko e" Tumango ako sa kanya.
Lunch kasi namin ngayon, Nakipag kita sya sandali para sabihin ang problema nya. Ako naman ay pumaslit ng konti. Lumabas na sya at ako naman ay kumain muna sandali. Mahaba haba pa naman ang oras ko. Kaya kumain muna ako mag isa.
"Bakit mag isa ka? Asan kapatid ko?"
"Oh nicolo, Kaaalis lang" sagot ko.
"Kailangan ni Kevin tulong mo?"
"Ano yun?" Uminom ako ng tubig at tumingin sa kanya. Ngumiti naman sya sakin at huminga ng malalim.
"Naka move on ka na ba talaga kay Aerone?" Kumunot ang noo ko.
"Ano konek nyang sa pag tulong ko kay Kevin? Saka ano ba hihingin mo?" natatawang sabi ko.
"Mag pro -propose na kasi si Tukmol tapos di nya alam kung san yung Venue kaya nahihirapan kami" napatango ako.
"Ayan naman pala si Aerone" Napatingin ako kay Aerone na naka long sleeve at tinipo hanggang siko ang manggas nito.
"Sorry Pre, May meeting kasi ako" ngumiti lang ako dito at umupo na sa tabi ni Nicolo.
"Bakit ngayon mo lang kasi sakin to sinabi?''
"Pano ko sasabihin eh madalas kayong mag kasama sa buong linggo nato." napatango ako.
"Goo, Ano na plan?" Tumitig ako kay Nicolo, Pero mukang hindi sya mapakale.
"Wala pa kasing Venue e"
"Ako bahala sa Venue, Sa Anniversary ng Hotel ko gaganapin yung Proposal so maraming tao dun, Isa kayo sa mga guest ko?"
"Wait. Kailan ba yan?" tanong ko.
"Nextweek na. Sa Friday"
"Hindi ako makakapunta. Anniversary din ng hotel ng pinag o-ojt han ko" malungkot kong sabi.
BINABASA MO ANG
Atlhia (Kathniel)
RandomAthalia Bernado ang babaeng mataas ang pangrap, Ang babaeng masipag at laging nakangiti. Maganda, Simple ngunit lumaki sa isang ampunan. Hindi nakilala ang kanya mga magulang. Isa syang isang matalinong estudyante na gustong makapag tapos at mag kar...