Kabanata 32

819 17 0
                                    

"San ba tayo pupunta?" inaantok kong sabi.

"MAlalaman mo din" Napailing nalang ako at nag hikab.

Pano kasi mahigit isang oras na kami nasa byahe tapos wala parin kaming napupuntahan. Nakatulog na nga ang anak ko dahil sa sobrang tahimik. Ako naman nag hihikab na. Pero ayoko naman matulog.

"Matulog ka muna, Pag gising mo nandun na tayo." Inayos ko si Andy. Binigay nya sakin ang isang unan na nilalagay sa leeg. Sinuot ko yun kay Andy at pinatong ko si Andy sa dibdib ko. Pinikit ko ang mata ko at unting unti ng nakatulog.


"Mommy" 

Dinilat ko ang mata ko at bumungad sakin si Andy. Hawak hawak nya ang cellphone ko habang naka tapat sakin ang camera nito.

"Ganda mo mommy oh kahit tulog" Pinakita nya pa to sakin pero agad kong kinuha ang phone ko. Pinag buksan kami ni Aerone ng pinto.

Napanganga ako sa nakita ko, Di ko maiwasan mamangha sa ganda ng tanawin kahit tanghali na. 

"Asan tayo?" tanong ko sa kanya.

"Asa  Batangas tayo, Sa resthouse" Saka ko lang napansin na may isang malaking gate dun na. Tinignan ko ang buong paligid, Maraming puno at sariwa pa ang hangin.

"Bakit tayo nandito? Uuwi din ba tayo mamaya?" tanong ko.

"Nahh. Dalawang araw tayo dito. Gusto ko kayong makasama ng matagal" pumasok ulit kami sa kotse at pinaandar to.

Bumukas ang gate ay may dalawang guard dun at dalawang babaeng naka maid uniform. 

Pag pasok mo palang ay bubungad sayo ang isang magandang at malaking pool. 

"Mommy ang lake ng pool nila" Ngumiti lang ako sa anak ko.

Huminto ang kotse ni Aerone sa harap ng mismong pinto at bumaba na to. Ako naman tinggal ko muna seatbelt ko. Pinag buksan nya kami ni Andy at bumama.

"Pano yan, Wala kaming damit ni Andy?" tanong ko sa kanya.

"Don't worry Sa loob meron. Pinag shopping ko kayo kahapon" Tumango naman ako sa kanya.

"Magandang tanghali Young master" 

Bumati din samin ang ibang katulong. Binuhat ni  Aerone si Andy, Habang ako naman ay humihikab pag dating dun.

Sa pag pasok mo palang sa loob ay makikita mo na talaga na alagang alaga ang bahay na to. Puro antique ata mga gamit dito. Hindi ko maiwasan mapangiti sa ganda dahil ang lake ng loob nito. Pag pasok mo kasi saloob hindi sala sasalubong sayo, Kundi isang bakante lang. Puro antque lang sya and may mga pasong may flowers or iba pa. May isang pinto dun sa gilid at dun kami pumunta.

Pumasok kami dun at pag pasok namin ay sala na.  Maganda ang ayos nito, May tatlong sofa na mabaha na paikot sa isang mesang malaki. Tapos saharapan ng mesa ay may isang malaking TV.

Dinala ni Aerone si Andy dun kaya sumunod ako. Umupo ako sa tabi nila at pinikit ko ang mata ko. Feel ko kulang ang tulog ko kahit mahaba naman kahit papano ang tulog ko. Hindi ko parin maiwasan antukin.

"Sa likod ng rsthouse na to may beach. O gusto mo pumunta ng kwarto muna?" 

"Tara sa kwarto muna." 

Tumayo ulit kaming tatlo. Umakyat kami sa isang malaking Hagdan.

"Manang, Mag luto po kayo para sa lunch pahatid nalang po sa kwarto ko" 

"Opo young master"

Umakyat na kami sa taas , Sobrang lake talaga, Akala ko maliit lang pero mali pala SObrang lake pala talaga ng loob at maluwang. Pumunta kami sa isang white na pinto at binuksan namin yun. Parang kwarto nya din to kasi ito may veranda. Mas malaki to sa kwarto nya at mas malaki din ang kwarto nito.

Atlhia (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon