Kabanata 25

704 11 0
                                    

"Ate? Papa ba talaga natin yan" Tumango ako at ngumiti.

"Oo nga! Kamuka ko diba?" sabay ngiti ko.

"Bakit di ko kamuka?" Natawa naman ako ng mahina dahil dun.

"Sa kanya na tayo titira" msayang sabi ko.

"Talaga?" Tumango ako at hinila sya kay papa.

"Papa, Si Arn Bernardo" pakilala ko.

"Hey son! Kamusta?" natawa naman ako sa reaction nito.  Napakamot naman ng ulo si papa dahil dun.

"Hello, P-papa" bigla naman to niyakap ni papa. Di ko maiwasan maiyak ng konti dahil dun. Yung kapatid ko? Ilang beses na naiingit sa mga tao dahil may magulang to. Ngayon kami meron na. Meron na kami papa, Meron na kaming ama na susubaybay samin.

"Sorry. Sorry anak" Lumapit ako sa kanila at yumakap din.

Umupo kaming lahat sa sofa, Kumuha ni Ate ng maiinom at konting meryenda.

"So? Ikaw ba ama ng dinadala ng anak ko?" Nasamid ako dahil sa tanong ni papa kay Jayden,.

"H-hindi pa--"

"I'm not! But I'm willing to be a father of her child sir" Kumunot ang noo ni papa dahil dun.

"Sino naka buntis sayo?" Napaiwas ako ng tingin.

"Aerone Padilla pa" sagot ko.

"Ahh. That bastard" huminga ako ng malalim para mag salita.

"Teka? Kaninong anak po si Frankie?" Tanong ko.

"Frankie Reyes, Anak ako ng kapatid ni Dady Trick. Pero dady tawag ko sa dady mo dahil nasanay na ko mula bata. Dahil pareho lang tayo ng walang kinilalang ama at ina. Pero iba kayo dahil nanjan na sila. Namatay ang mommy at daddy ko sa isang Aksidente" napatango ako.

"Pinsan kita" Bigla ko naman sya binatukan dahil dun.

"Bakit?" Natatawang sabi nya.

"Pa rose rose ka pa. At hiya hiya. Pinsan naman pala kita. Letse ka" natawa naman kami dahil dun. 

Hinawakan ko ang tiyan ko at naupo ng maayos. Naramdaman ko naman si jayden at tumabi sakin at hinawakan ang tiyan ko.

Sinabi ni papa ang plano nya kela ate Ann, Pumayag naman sila Ate ann dahil dun. Tinulungan kami ni Ate ann ayusin ang mga gamit namin. 

Natawa pa ko dahil umiiyak si Ate ann sa pag baba namin.

"Nakakainis! " iyak nyang sabi. "Mag tya-tyaga nanaman ako sa kapatid ko" natawa ako ng mahina dahil dun.

Bumaba kami at buhat buhat ni Dady ang gamit ni Arn,Si Frankie naman ay gamit ko. Si Jayden naman ay nakahawak sa bewang ko.  

"Pwede naman po kayong dumalaw" sabi ko sa kanila.

"Oo, A-araw arawin ko kayo dun" Pabirong sabi nito.

Sumakay sila sa KOtse  ni papa, Ako naman ay sumakay sa kotse nio Jayden. Walang nag sasalita samin habang nandun kami. Nakatingin lang ako sa harapan kung nasan ang kotse ng kapatid ko. Hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko.

Kung may aalis, May darating,

Totoo pala yun. Totoong may dumating, Isang taong mahalaga samin, Isang taong mag papabago samin, Isang taong hinahanap hanap namin. Hindi na ko mahihirapan dahil meron na kong amang mag aalaga samin.

"Lalim nag iniisip mo?" Napatingin ako kay Jayden

"Masaya lang ako" sagot ko. 

Hinawakan nya ang kamay ko. Habang isang kamay nya naman ay nag dra-drive. Ngumiti lang ako habang pinag mamasdan ang kamay namin. 

Atlhia (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon