Ath's POV
Isang linggo. Isang linggo na nakalipas na tahimik ako. Tahimik ako at walang pinapansin miski Nicole hindi ko pinapansin. Sobrang sama parin ng loob ko pag nakakasalubong ko si Aerone. Umiiwas ako. Kahit mga estudyante dito at hindi ako binully.
Bahay, School at coffeeshop lang ako.
Gusto kong kausapin yung dalawang lalake pero di pa kohanda. Kahit ako pumunta that time dahil sa takot ko. Pilit akong pinapapunta sa Detention pero di ako pumunta. Pag nakikita ko sila. Naalala ko ang hawak nila. Hawak nila sa katawan ko. Muntik na. Muntik na.
Tinakpan ko ang muka ko at mahinang umiyak.
"Shit! Bakit naalala ko parin"
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko.
"Gusto ko ng umuwi" bulong ko sa sarili ko. "Pero di pwede. Mag tatanong si Arn at sila sister sakin. Ayokong. Wala akong masasabi. Di ko pwedeng sabihin"
"Kung harapin mo yung mga lalake. Walang kasalanan si Aerone sa nang yare" Mabilis kong pinunasan ang luha.
"Bakit ka nandito?" inis na tanong ko.
"Natutulog ako. Naririnig ko mahinang hikbi mo." Tumingin sya sakin at umupo sa harap ko. May kinuha sya sa bulsa nya at pinahiran ang pisnge ko.
"Wala syang kasalanan. Pumunta kang Detention. Papatawag ang mga lalakeng yun. Sila mag papaliwanag. Walang kasalanan nag kaibigan ko"
"Kaibigan mo. Kaya mo pinag tatanggol. " sagot ko.
"Kaibigan ko kaya ko pinag tatanggol kaso totoong walang kasalanan. Sinampal mo yung tao. Hindi pumapasok ang tao dahil sayo. Bakit di ka pumunta ng detention at alamin mo" inirapan ko sya.
Pano kung wala syang kasalanan? Hayss! Ayoko ayoko.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Mabilis kong tinungo ang detention at nagulat ang teacher dahil pumunta ako dun.
"Ms. Bernardo" Umupo ako sa sofa. "Papatawag lang po namin" Tumango ako sa kanila.
Maya maya lang ay pumasok ang dalawang estudyante. Nakayuko ito at nakatayo sa gilid. Pumikit ako ng naramdaman ko nanaman yun. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Yung hinawakan nila yun ano ko.
Napatakip ako muka at naramdaman ko nanaman ang luha ko sa kamay ko.
"Ms Bernardo, Okay ka lang?" tumango ako.
"S-sorry" sabay nilang sabi. Humarap ako sa kanila kahit umiiyak ako.
"Walang kayong respeto" inis kong sabi. " Pano kung may kapatid kayong babae? at sa kanya mang yare to? Ano sasabihin nyo ah?! Ano mararamdaman nyo!"
"Inutusan ba kayo ng walangyang lalakeng yun ah!!" sigaw ko pa.
"Sabihin nyo yung totoo!"
Umiling sila, Saka ko lang napansin ang pasa nila sa muka. Maga ang gilid ng mata ng isa at putok din ang labi nito
"A-ang utos lang po samin. Takutin kayo hanggang sa umi--"
"Kaya nyo ginawa nya saki---"
"Hindi po. Sasabihin po namin to hindi dahil pinag tatanggol po namin sya. " Huminga to ng malalim at tinignan kami "Nung ginawa mo namin yun laking gulat nya po. Araw araw nya po kami pinapunta sa Tambayan at binubugbog. Sinisisi nya po sarili nya dahil dun. Ang balak lang po nya talaga takuntin kayo. Ang sabi nya po samin nun 'Wag nyong sasaktan. Kundi kayo mananagot sakin' Pinapabully nya po kayo. Pero kahit kailan po? Hindi nya sinabi na saktan kayo. K-kaya po namin nagawa yun kasi gusto kita" halos magulat ako dahil dun.
BINABASA MO ANG
Atlhia (Kathniel)
RandomAthalia Bernado ang babaeng mataas ang pangrap, Ang babaeng masipag at laging nakangiti. Maganda, Simple ngunit lumaki sa isang ampunan. Hindi nakilala ang kanya mga magulang. Isa syang isang matalinong estudyante na gustong makapag tapos at mag kar...