Na alimpuntan ako dahil sa haplos sa muka ko.
Napaupo ako ng makita ko si Aerone. Tinakpan ko ang sarili ko at mahina syang natawa.
"Bakit nandito ka? Makita ka ni Jayden?" Kumunot ang noo nya,
"Eh ano naman?" Napailing ako.
"Ayaw nyang nag papasok ako ng lalake dito. Magagalit sakin yun. Labas ka, Susunod nalang ako. Bilis"
"Ayoko. Hihintayin kita. Ano naman ba kung makita nya ko dito ah" inis na sabi nya.
Hinatak nya ko at niyakap.
"Wala akong pake sa kanya" Napailing nalang ako.
Tinulak ko sya at kumuha ng damit. Nakita ko naman na nandun ang dalawang bag ko, Kinuha ko yun at nakita ko yung Uniform ko.
"Salamat" Ngiting sabi ko sa kanya.
"Sabay na tayong pumasok?"
"Sige! Susunod nalang ako sa baba" sagot ko.
Pumasok ako sa cr at naligo ng mabilis. Lumabas ako at sinuot ko ang uniform ko. Nag suklay ako at hindi na pinatuyo ang buhok ko. Nag polbo ako ng konti at bumaba.
Nakita ko naman na prenteng naka upo si Aerone dun habang asa harap naman si Jayden si Arn naman ay katabi ni Ate Ann.
"Magandang umaga" Pinuntahan ko agad ang kapatid ko at hinalikan sa noo.
"Anong oras ka uuwi mamaya ate?"
"Maaga ako. Pag uwian na? Uuwi agad ako. " Sagot ko sa kanya.
Ginulo ang buhok nya at kinurot ang pisnge nya.
"Wag kang pasaway dito ah" Umupo ako sa tabi nya at kinain ang nasa plato nya. Uminom lang ako ng kape at sinuklay ko ulit buhok ko.
"Yung Inhaler mo wag mong i aalis sa bulsa mo incase! Uuwi ako dito tapos, Papasok ako sa coffeeshop." paliwanag ko pa.
Tinignan ko si Aerone at tumayo ako sa tabi ni Arn. Pumunta ako sa kanya at kinalabit sya.
"Tapos ka na?"
Tumango sya sakin pero binalik naman nya ang tingin nya kay Jayden. Tinignan ko naman si Jayden na masama din ang tingin dito.
"Tara na kung tapos ka na?"
Tumayo ako at nag paalam na kela ate ann. Lumabas ako ng bahay at ramdam ko na nakasunod sya sakin. Nagulat ako ng naramdaman ko nanaman ang kamay nya sa bewang ko. Ilang beses na nya ginagawa sakin to pero hanggang ngayon nag dedeliryo parin ang loob ng tiyan ko dahil dun.
Pumasok na ko sa passenger seat at sya naman sa driver seat. Kinuha ko ang ID ko sa loob ng bag ko at sinuot ko to.
Pinaadar nya na ang kotse nya, Wala pang 10 minutes ay nakarating na kami dun. Hindi ko na dadaanan ang lakaran dahil nandito na kami sa parking lot. Lumabas ako pero mali pa ata ang pag sabay ko sa kanya dahil maraming masama ang tingin sakin.
Nauna agad ako nag lakad at hindi na sya hinintay.
"Hoy tomboy. Hintayin mo ko" Bigla nya kong inakbayan.
"Lumayo ka nga sakin." inis kong sabi.
Kumunot nanaman ang noo nya dahil dun.
"Eh! Bakit nanaman ba ah?"
"Maraming estudyanteng masama ang tingin sakin oh? Kaya lumayo ka sakin" inis na sabi ko.
"HOY KAYO! BAKIT NYO TINITIGNAN NG MASAMA SI ATH? SINO NAG SABING TIGNAN NYO SYA AH! WALANG TITINGIN SA KANYA."
BINABASA MO ANG
Atlhia (Kathniel)
De TodoAthalia Bernado ang babaeng mataas ang pangrap, Ang babaeng masipag at laging nakangiti. Maganda, Simple ngunit lumaki sa isang ampunan. Hindi nakilala ang kanya mga magulang. Isa syang isang matalinong estudyante na gustong makapag tapos at mag kar...