Kabanata 30

785 17 0
                                        

"Apo, Lumabas ka na jan. Di ka pa kumakain. Kagabi pa ah" unti unti kong dinilat ang mata ko. Tinignan ko ang orasan sa gilid. 

"Athlia, Ano ba?" Unti unti akong bumangon at binuksan ko ang Pinto.

"Maliligo lang po ako. " tumango sakin si lola at pumasok na ko sa C.r

Mabilis kong tinapos ang pag ligo ko at lumabas na. Sinuot ko ang Uniform ko at hinanda ko ang concealer ko at salamin. Humihikab pa ko sa pag blo blower  ng buhok ko. Kinuha ko bag ko at kinuha ang lipgloss ko. 

Mejo halata na umiyak ako pero pag nag salamin ako siguro di na gano. Si Andy? 

Tumayo ako at lumabas na. Wala akong buhay na bumababa at pumunta sa kusina. Pag punta ko dun ay nakita ko si Aerone katabi si Andy at pinapakain to.

Umupo lang ako sa tapat na to at hindi pinansin. Hindi ko maiwasan sumama ang loob. Alam kong bata si Andy at nangangailangan ng ama. 

"GoodMorning" Malamig na sabi ni Arn at tumabi sakin.

Nag pakuha ako kay yaya ng milk at nag simula na kong kumain. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Nicole na sunduin ako dito. Pero ang sabi nya nasa office na daw sya. Papasunod nalang daw nya ko kay Nicolo.

"Mommy" Napatingin ako kay Andy. 

Pero iniwas ko lang ang tingin ko dito. 

"GoodMorning po" nagulat ako ng nakita ko si nicolo.

"Oh bakit nandito ka? " Tanong ni Aerone.

"Sinusundo ko si Ath"sagot nito.

Alam kong tinititigan ako ni Aerone. Ramdam na Ramdam ko yun. 

"Ako na mag hahatid sa kanya" mabilis na sagot nito.

"Pinapasundo sakin ni Nicole si AThlia pre" Inis na sabi ni Nicolo dito.

"Nililigawan mo ba si Ath" Napatigil ako sa pag kain dahil dun, 

"Kung mag aaway kayo, Lumabas kayo. Nandito si Andy" sabi ko habang tinutuloy ko pag kain ko. Huminto naman silang dalawa dahil dun.

"Ako na mag hahatid sayo ate. Maaga pa naman" singit ni Arn.

"Wag na Arn, Si Nicolo nalang. Binilin ako sa kanya ni Nicole" sagot ko. 

Tumayo ako at hinalikan ko si Arn sa pisnge. Pumasok naman si lola sa kusina at hinalikan ko din sa pisnge. Pumunta ako kay Andy at hinalikan to sa Lips.

"Babye mommy" Ngumiti ako dito.

"Mag usap nalang tayo mamaya Aerone pag tapos ng oras ng OJT ko" tumango naman to.

Lumabas na kami ni nicolo ng bahay at sumakay ako sa sasakyan nya.

"Kailangan ko na din siguro mag practice na mag maneho para hindi na ko nakakaabala sa inyo" bukas kong topic dito

"GoodIdea pero di naman nakaka istorbo e" sagot nya.

"Nakoo. Baka nga late ka na sa trabaho mo e" natatawang sabi ko.

"Nahh. Ako boss din kaya okay lang" Tumango ako at Ngumiti.

"Now, He know everything anong balak mong gawin?" Napatigil ako dahil dun. 

Kahit ako di ko alam ang gagawin ko, Uhaw na uhaw ang anak ko sa pag mamahal ng isang ama? Isang ama na pinag kait ko dahil sa galit na nararamdaman ko. ALAM kong may kasalanan din ako dito. Pero di ko rin alam ang gagawin ko sa panahn na yun. Sobrang sarado ang utak ko para sa kanya. 

"I don't know. Mag uusap nalang kami mamaya"  sagot ko.

"Pano kung kunin nya anak mo? Anong gagawin mo?" Hindi ko maiwasan kabahan dahil dun. Pero umaasa ako na di nya gagawin.

Atlhia (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon