"Ganto na lang BJ. Bayaran mo na si Sharlene para wala ng problema."
Tinitigan ko siya ng sobrang lalim. Siguro naman alam niya na seryoso ako at malapit na akong mawalan ng pasensya kaya dapat sundin niya ang sinasabi ko.
Napatiim-bagang ako ng ngumisi siya. Talagang matigas ang damulag na 'to.
"Huwag ka ngang mangialam Scarlet. Kung ano ang gusto ko, yun ang masusunod."
I heaved a deep sigh.
Eh gago pala talaga siya e.
"Huwag na huwag mo akong sasabihan na huwag kang pakialaman. In case na nakakalimot ka, ipapaalala ko sa'yo na nakatapak ka sa West Side Street."
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Hindi yung simpleng ngiti.
"Aba. Talaga ngang maangas ang nag-iisang anak ni Detective Diaz."
My eyes narrowed. He stepped forward.
I arched my right eyebrow. Tangina. Isang hakbang pa, makakatikim na siya sa'kin.
"Hindi mo pag-aari ang lugar na tinatapakan ko kaya umayos ka. Oh baka gusto mo bukas na bukas ipa-demolish ko na 'to?"
Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Maangas siya kase kongresista yung tatay niya. Eh ano naman?
Nginisian ko siya.
"Lumalayo ang usapan. Magbayad ka na lang kase. Isa pa, naaalibadbaran na ako sa panget mong mukha. DAMULAG."
Umamba siya na para akong sasapakin.
"Anong tawag mo sa 'kin? Paki-ulit nga!"
Hahahaha. Nanggagalaiti siya sa inis. Yan ang gusto ko. Sana nandito yung tatlo para nakita nila kung gaano kapanget si BJ. But on a second thought, hindi rin pala dapat. Kase masyado silang protective sa 'kin. Ang OA.
"Sayang laway ko."
Nagtagis ang mga ngipin niya sa sinagot ko.
Napakapit ng mahigpit sa braso ko si Sharlene, malapit na kaibigan ko, indikasyon na tumigil na ako at wag ng patulan pa si damulag.
"No, Sharlene. Dapat sa damulag na 'to tinuturuan ng leksyon."
Sinenyasan ko siya na tumabi dahil may gagawin akong maliit na milagro.
"Sherwin! Paul! Bangasan niyo nga yang Si Scarlet!"
Utos niya sa dalawa niyang mga asungot. AKA 'mga alagad ni Damulag'.
Pero bago pa makalapit silang dalawa sa'kin, natumba na sila. Well. I just kicked their assess off.
Sa mga ganitong panahon ko nagagamit yung na-training namin ni Dad."Mga pulpol!"
Inis niyang komento.
Sinunggaban niya ako kaya medyo nag-panic ako. Kingina. Ang laking damulag niya baka mapipi ako. Kaya kinagat ko ng buong lakas ang braso niya. Napamura pa nga siya sa sobrang hapdi. Bading kase. Pumapatol sa babae.
Sorry na lang, hindi ako basta-basta. Amazona ako, sabi ni Blue.
And he's right.
"Ano BJ? Magbabayad ka o hahalikan mo ang lupa?"
Pinagtitinginan na kami ng mga taong napapadaan dito. Medyo sa gitna kase kami ng plaza. Mahaba-habang paliwanagan na naman 'to kay Dad.
Akala ko magpapatinag na siya.
Pero hindi.
"Puta. Kasalanan ko bang ang bobo niyang si Sharlene?? Minsan kase paganahin niya rin ang utak niya para hindi ko siya naiisahan!"
Sigaw niya habang sapo-sapo ang braso niya na may bakat ng mga ngipin ko.
"Ang dami mong dama."
Tipid kong sagot.
Sadyang mabait si Sharlene kaya siya naloloko. Kaya minsan naaawa ako sa kanya. Gumawa siya ng software. At binenta niya kay BJ. Pandagdag tuition niya yun. Hindi kase alam ng damulag na 'to ang self-support sa pag-aaral.
Sobrang malapit na kaibigan ko si Sharlene kaya hindi ako papayag na laitin siya. Nakakababae.
Buo na ang loob ko na paduguin ang labi ni BJ. Hindi naman ako natatakot.
Tinitigan ko ng masama sila Sherwin at Paul kaya naman hindi na sila nagtangkang pumalag.
Lumapit ako sa kinauupuan ni damulag.
Bumwelo na ako dahil balak kong gamitan ng malakas kong sipa ang labi niya para kunwari, uminom siya ng red wine.
"Tangina! Anong binabalak mo?!"
This time, I gave him a big smile.
Ako si Scarlet.
Sa West Side street, ako ang reyna. Walang krimen sa lugar na yan dahil isa AKO sa nangangalaga sa kapayapaan dito.
(Naks bantot naman ng pakilala ko hahaha^^)
Natigilan ako ng may marinig akong malakas na busina mula sa white sportscar. Kilala ko kung kanino yun. Minsan na niya ako sinakay dyan.
Napagtanto kong tatlo silang nasa loob.
Agad na hinanap ng mata ko si Sharlene. Sht. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na huwag niyang ipaalam sa kanila.
Napapikit ako ng madiin.
Mas lalong lumakas ang hiyawan sa paligid at mas lalong dumami ang mga nakikiusisa.
Pagkalabas nila, agad na nagpalipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay BJ.
Errrrr.
"Ayos ah. Nice one Scarlet."
He said while grinning.
Now, I am dead.
---tobecontinued---

BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...