"We're here."
Nginitian ko siya bilang sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa private bar niya.
Pansin ko lang, kanina pa siya hawak ng hawak sa kamay ko. Nako-conscious tuloy ako, baka kase magaspang yung kamay ko. Hayup na Red na yun. Nakakainis, palagi ko na lang naiisip.
And for the second time, mayroon na namang sumalubong sa amin na mga staff niya. Take note, mas marami ito sa isang dosena kanina.
"Happy 18th Birthday Ms. Scarlet. Enjoy your day."
Sabay-sabay na namang bati nila sa akin.
"Hi. Thank you guys!"
I replied.
Nang makalagpas na kami ni Gray sa kanila, agad kong iginala ang mata ko sa buong paligid.
Bakit ganun? Parang wala namang tao dito?
Niyugyog ko yung kamay ko na hawak hawak ni Gray.
"What?"
Ang weird itanong pero..
"Tayong dalawa lang ba ang nandito?"
Bigla siyang natawa sa tanong ko. Mas lalo akong kinabahan. Hindi dahil baka pagsamantalahan niya ako. Kundi baka gawan niya ako ng mga tinatawag na 'goodtimes or pranks'. Baka mamaya, mala-horror yung surprise niya edi natuluyan na ako dahil sa takot.
Nilapit niya yung bibig niya sa tainga ko at saka siya bumulong.
"No, we're not alone. Pero kung gusto mo, pwede namang kitang solohin."
Tumayo yung mga balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya ng word na SOLOHIN. Tangna. Shit. I almost forgot na lalaki rin si Gray. Naalala ko nga yung pinag-uusapan nila yung HENTAI. Tawang-tawa sila ni Blue at Red. Bastos pala ibig-sabihin nun.
Dahil mabilis ang kamay ko, agad kong hinawakan yung tainga niya at pinengot ko. Napa-aray naman siya.
Nang magtama yung mga paningin namin, pinagtaasan ko siya ng kanang kilay at pinanlakihan ko rin siya ng mata. Masasabi kong hindi pa kumukupas ang angas ko kase tumitiklop na naman siya sa 'kin.
"Okay fine. I'm sorry. It's just that, masyado ka kaseng kabado. C'mon. I will not do anything na ikapapahamak mo. It's a part of a show kaya wala ka pang nakikitang iba bukod sa gwapong nilalang na kausap mo."
Mahaba niyang paliwanag. Yan, ganyan si Gray. May natatago ring kayabangan sa katawan niya. Pero it suits him naman. Gwapo naman talaga kase.
Muntik na akong mapahagalpak sa tawa habang tinitingnan ko siya na hinihilot yung tainga niya na namumula.
Nauna na akong humakbang papunta sa isa pang pinto na papasukan namin.
Nilingon ko siya nang maramdaman kong hindi siya sumusunod sa akin.
"Ba't di ka pa sumusunod sa 'kin?"
Napaisip ako sa facial expression niya. Para bang may nakikita siyang hindi ko naman nakikita.
"Huy!!"
Pagtawag ko ulit sa kanya.Peste ha. Hindi na ako natutuwa.
Humakbang siya papalapit sa akin. Tapos may binulong na naman siya.
"May sumusunod kase sa'yo kanina. Parang si sadako."
Tangina.
Agad akong yumakap sa kanya. Isiniksik ko yung mukha ko sa dibdib niya. Para na naman akong maiiyak.

BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...