☆ 27: Power of Money ☆

39 2 0
                                    

"Saan ka pupunta?"

Bungad na tanong ni Scarlet kay Red. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. Pinagtama muna ni Red ang mga mata nilang dalawa bago siya sumagot.

"Lalabas."

Kasimbilis ng isang kisap mata na nagbago ang facial expression ni Scarlet sa nakuhang sagot mula sa kanya.

Pipigilan niya sana si Red nang biglang sumabat si congressman, kaya pati tuloy si Red ay napatigil sa paghakbang palabas.

"Oh, andyan na pala yung girlfriend mo." Sarkastiko nitong sabi.

"Hindi ko siya girlfriend."
Mahinang protesta ni Red.

Nagkatinginan ulit sila ni Scarlet. Nakaramdam siya ng pagkailang.

Naglakad si Scarlet palapit kay congressman. Nakipagtagisan siya ng titigan sa ama ni damulag. Hindi na siya natatakot dito, lalo na't alam niyang may kasalanan pa ito sa kanya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagsampal nito sa kanya.

"Anong kaso nila? Bakit mo sila pinapunta dito?"

Matapang niyang tanong.

Inayos naman  ni congressman ang kurbata niya saka humakbang palapit sa kanya.

Ha! Akala mo ba matatakot ako sa'yo? Malakas nga ang posisyon mo, pero hinding-hindi ako papayag na dungisan mo ang pangalan ng mga kaibigan ko.

"Bakit ba ang hilig mong mangialam?"

Inis na tanong rin nito sa kanya.

"May pakialam ako dahil mga kaibigan ko ang naaagrabyado dito."

Pumeke ng  tawa si Mr. Cuenca sabay pumapalakpak.

"Ganito na ba katanga ang mga kabataan? Kapag may problema ang isa, dadamayan ng lahat? Tapos ano? Sinasabi mo bang gusto mong pati ikaw ipakulong ko?"

Hindi siya sumagot bilang paggalang dito kahit na konting-konti na lang, mawawala na respeto niya.

"Ama rin ako Scarlet. At kapag nakikita ko kayo, para ko na ring nakikita sa inyo ang anak ko. Kaya naman kapag may nananakit sa kanya, para ko na ring pinapalo ang kaliwa kong kamay gamit ang kanan kong kamay. Naiintindihan niyo ba?"

"Eww. Hindi ako papayag na maging kamukha ni BJ." For fuck's sake, hindi siya sexy pero hindi siya kasing monay ni BJ.

"Okay, sige." Pagsuko nito.

Akala nila  nagpaubaya na talaga ito, pero nagulat sila nang magsimulang kumuha ng mga litrato ang mga reporter.

"Nakita namin kung gaano kabait at ka-considerate si Congressman sa inyo, pero matigas pa rin kayo! Dapat lang na lumabas ito sa dyaryo ng manahimik na kayo sa mga katarantaduhan niyo!"

Sigaw nung isa.

Lumapit sila kay Red at Blue.

"Kayo, ang titigas ng ulo niyo! Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa ng mga magulang niyo?"

Umakyat ang dugo ni Scarlet sa tanong nito kaya naman pilit niyang hinahablot ang kamera.

She swear to the whole solar system, she'll crack those dslr into tiny pieces once na makuha niya yun.

Tiningnan niya yung reaksyon nila Blue at Red. Kalmado lang ang mga ito. Sila Ciana at Sharlene naman, walang magawa.

"Ikaw Red, narinig namin na patay na daw ang papa mo. Kaya ba ganyan ang asal mo?"

Pare-parehas na nagpantig ang mga tainga nila sa narinig.

Pumalag na si Red.

"Gago ka ah! Anong klaseng tanong ba yan?!Bakit pati nanahimik kong ama dinadamay niyo?!"

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon