Scarlet
Napatayo sa kinauupuan niya si Blue nang bumagsak ako sa tabi niya. Ayos! Swabeng-swabe ang kilos ko!
Agad na hinanap ng mata ko si Red.
Hindi naman ako nabigo nang magtama ang mga paningin namin.
Itinaas ko ang paa ko sa headboard ng upuan niya. Nasa harapan ko kase siya, tapos sila Gray at Blue ang magkatapat.
Sitting-pretty ang drama ko.
"Dammit! Saan ka dumaan?"- Gray
"Mag-signal ka naman, nagulat ako eh."-Blue
I answered them both with a very small smile.
Mas nakapokus ako sa mortal kong kaaway na ngayon ay hindi pa rin nakakabawi sa pagkakatulala. Akala niya siguro mananalo siya? Ha! Akala ko nga rin e. But I have to win. Hindi ko pa siya nagagantihan sa ginawa niya kahapon. Kung susukuan ko siya, mas lalong lalaki ang bilib sa sarili ng kupal na yan.
"Mukang bigay-todo ka ngayon ah."
Sabi ulit ni Blue saka muling umayos sa pagkakaupo.
"Kailangan e."
Sagot ko. Grabe! Medyo hiningal ako dun ah.
Nabaling ang atensyon ko kay Red.
"Iba ka talaga."
Tipid niyang komento na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Ang marinig ang tatlong salita na yan mula sa kanya ay sobrang nakakamangha. Hell feeling kumbaga.
Iba ka talaga.
Paulit-ulit na nag-eecho sa tainga ko.
Ano bang ibig sabihin nun? Pinupuri niya ba ako?
Pero hindi ugali ni Red na magbitaw ng mga ganyang salita.
Bakit parang ganun yung dating ng mga salita niya sa 'kin?
Busy ako kakaisip nang bigla niyang paandarin yun nang hindi man lang ako nakakapagsuot ng seatbelt.
"RED!!!!!"
Nagtawanan naman silang tatlo sa sigaw ko. Mapuputulan ako ng ugat sa leeg kapag ganyan ang mga asal nila sa 'kin.
I got three friends who always laugh at me even if I am not joking around. Mas tuwang-tuwa pa nga sila kapag inis na inis na ako.
Asaran.
Laitan.
Ganon naman talaga ang tunay na magkakaibigan, hindi ba?
***
Sa univ . . . .
Hanggang sa maipark yung sasakyan, tinatawanan pa rin nila ako.
Tumigil lang sila nang mapansin namin yung kumpulan ng mga schoolmates namin sa tapat ng fountain.
Habang papalapit, mas naririnig ko kung ano ang pinag-uusapan nila at kung sino ang nangunguna sa kadaldalan.
Walang iba kundi si damulag.
*Andyan na yung 3+1!*
Sigaw ng isa na classmate naming apat. Yes. Magkaklase kami nila Blue, Gray at Red.
And just to share, sa university na 'to nagtapos ang mga magulang namin. Hindi kamahalan ang bayad kaya afford.
Pati rin si Sharlene na ka-MU 'yata' ni Blue, dito rin nag-aaral.
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...