☆ 13: Mad Dog ☆

63 7 0
                                    


"Scarlet, lagi na lang bang nilagang saging, sinangag, pritong itlog at hotdog, at mainit na kape ang aalmusalin natin?"

Napatigil ako sa pagnguya.

"Dad, magpasalamat ka na lang at nakakakain ka. Diba po masama ang magreklamo sa kung ano ang nakahain sa mesa?"

Humigop muna siya ng kape saka ulit nagsalita.

"Oo naman alam ko. Pero, anak, nakakasawa na kase. Pwede bang mag-request ako na mag-iba ka naman ng recipe?"

Nabuga ko yung iniinom kong kape nang marinig ko yung sinabi niya. Buti na lang walang natapon sa katawan ko. Naka-uniform pa naman ako.

"Dad! Nagbibiro ka ba? Alam mo naman na palpak ako sa kusina diba?"

Pinunasan niya yung labi niya.

"Ay oo. Pasensya nalimutan ko."

Sus.

Parehas kaming napangiti. Paano ako matututong magluto kung ang kasama ko sa bahay ay si Dad na hindi rin marunong?

Natutunan ko nga lang yung pagprito at paglalaga nung minsang napadpad ako sa kusina ni Tita Risa. Tinuruan niya ako. Madali lang kaya nakuha ko agad
Pero yung mga lutong maraming sangkap? Oh common mamon. No deal ako dyan. Baka masira ang tiyan ng kakain ng luto ko.

Nagpunas ako ng labi ko saka ako tumayo. Humalik ako sa pisngi niya.

"Bye Dad."

Saka ko sinaklay sa likod ko yung bag ko.

Naka-white t-shirt ako at naka-white  jogging pants dahil nga P.E. namin ngayon. Tapos nakapusod yung buhok ko na hanggang dib-dib ang haba.

"Sige. Ingat ka."

"Yes Sir."

Sumaludo pa ako sa kanya.

"Ngapala, nasabi na ba sayo ni Gray na ititreat ka daw niya bukas?"

Naalala ko yung sinabi ni Gray.

"Yes Dad."

Tumango naman siya.

Lumabas na rin ako sa gate.

Maaga akong umalis sa bahay. Maglalakad ako.
Ayokong sumabay kay Gray kase alam ko na makikita ko si Red

Childish na kung childish pero nakakasama talaga ng loob.

Hindi pa man ako nakakalagpas sa kanto ng West Side Street, tanaw ko nang mayroong naghihintay na kotse. At nung malapitan ko na, saka ko napagtanto na si BJ ang sakay nun.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang siya sinusundan ako.  Parang gago lang.

"Sasabihan ko si Dad na tigilan sila Red, Gray at Blue kapag kinampihan mo ako."

Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahan ko siyang nilingon.

Itinaas ko yung kanan kong kilay.

"At bakit kita kakampihan? Siraulo ka ba? Oh nalilipasan ka na naman ng gutom?"

Baliw. At kampihan? Hah! Hindi ako traydor kahit pa galit ako sa lider namin.

"Hindi. I mean, itutuloy kase nila yung pag-ahluukà sakin mamaya."

Nginisihan ko siya.

"Oh? Edi ok! Mas pabor sakin. Kase tinakbuhan mo ako kahapon e."

Tinalikuran ko na siya at nagsimula na ulit akong maglakad nang hablutin niya yung braso ko.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon