THIRD PERSON PoV
Lunes . . .
"Goodmorning dad!"
Masayang bati ni Scarlet sa kanyang ama. Kagigising lang nito, at sa kauna-unahang pagkakataon, mas nauna siyang mag-asikaso kaya naman kakain pa lang ng almusal ang daddy niya, siya ay tapos na.
"Alis na po ako Dad."
Sabi niya sabay halik sa kaliwang pisngi nito.
Bago niya pa makalimutan ay nilagay na niya sa loob ng bag niya ang lunchbox. Ito talaga ang dahilan kung bakit maaga siya nagising--para maghanda ng baon.
"Mag-ingat ka."
She nodded as her answer.
Magsasarili na naman siya papasok sa school. Galit si Gray kay Red. Kaya naman alam niyang walang sabayang mangyayari.
PAGDATING sa room, nakita niya agad si Red at si Blue na nag-uusap. Nasa bintana sila, patalikod sa kanya kaya naman hindi nito alam na nandito na siya.
Pumunta siya sa pwesto niya saka niya nilapag ang bag niya. Nag-hi lang siya kila Ciana at Sharlene nang batiin siya ng mga ito. Kinuha niya yung pinaghirapan niyang iprepare na baon na hindi naman talaga para sa kanya. Kundi para kay Red. Pa-konswelo niya sa nakaka-touch nitong regalo sa kanya.
Nakangiti siya habang bitbit yung lunchbox habang papalapit siya kila Red na mukhang seryoso ang usapan dahil hindi man lang nararamdaman nito ang presensiya niya.
Alam niya na nagtataka ang mga kaklase niya na may bitbit siyang baunan ngayon. Hindi niya naman kase hilig ang magbaon. Ayos na sa kanya yung pagkain sa canteen kaya pera palagi ang dala niya. Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga ito sa kanya. Basta, gagawin niya ang gusto niyang gawin.
Kinalabit niya ng marahan sa likuran si Red, napatigil naman ito sa kung anumang sinasabi nito kay Blue.
Lumingon ito at tiningnan siya.
Iniwasan niya naman ang mga mata nito.Nakakapanibago. Hindi niya rin alam bakit niya ito ginagawa. Basta, nagising na lang siya, gusto niyang paglutuan si Red.
Hindi nagsalita ang lalaki kaya naman inangat niya yung bitbit niya. Hindi naman ito inabot ni Red. Kaya dun na niya tiningnan si Red. Nakikita niya sa peripheral vision niya na nagpipigil sa pagngiti si Blue. Oo na. Nakakaloko. Pero wala siyang panahon para patulan ito. Tinititigan na sila ng lahat ng tao sa loob ng classroom nila. Wala ng pake si Scarlet. Ang goal niya lang ngayon, ay tanggapin ito ni Red, kase kung hindi, masasayang lahat ng effort niya.
"Anong gagawin ko diyan?"
Sa wakas, nagsalita rin ito.Sa kabilang banda, kararating lang ni Gray kaya naman naabutan niya ang eksena. Narinig niya na tinatanong ni Red si Scarlet kung anong gagawin niya sa binibigay nito na lunchbox. Hindi niya alam kung nagmamaang-maangan ba ito o sadyang hindi pa rin nito makuha ang ibig-sabihin ng lahat.
At muli, nag-echo na naman sa kanya yung usapan nila ni Red nung isang gabi.
Sinabi nito na nalilito ito kung gusto ba nito si Scarlet o hindi. But that was the most stupid answer! There's no such "confuse" answer for that simple question. It's just a no or a yes. No complications. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi sure si Red.Kung nalilito siya, then I will help him.
Sabi niya sa sarili niya.
"Natuwa kase ako sa birthday gift mo. Kaya eto, naghanda ako ng baon para sa'yo."
Nagtilian ang ilan sa sinagot ni Scarlet. Bakit ba kailangan niya pang marinig ang nga salita na yun? Mas lalo lang niyang napagtatanto na hindi pa man nagsisimula ang rivalry nilang dalawa, si Red na agad ang panalo.
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Ficção Adolescente"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...