☆ 14: Hunted ☆

66 5 2
                                    


THIRD PERSON

Jddjjdhdhdaguopljdj.

Kung wala siyang pake sa'kin, edi wala! Hindi siya kawalan! Nyeta!!

Inis na pinagbubunot ni Scarlet ang mga dahon ng halaman sa tabi niya. Alam niyang nasa campus rule ang huwag pumitas para mapangalagaan ang mga halaman pero wala e. Kung nabubwisit sa kanya si Red, mas mataas ang intensity ng pagkainis niya.

Pipitas pa siya ulit nang biglang lumitaw ang matandang hardinero na si Mang Johnny.

"Huwag mong idamay ang halaman. Sige ka, baka gantihan ka niyan."

Kunot-noo niya itong tiningnan. Nakapokus lang ito sa pagbunot ng mga ligaw na damo.

Aalis na sana siya nang magsalita ulit ito.

"Si Red ba ang dahilan?"

Tumawa siya sa tanong ng matanda.

"Parang may bago Mang Johnny ah. Masanay na lang po kayo."

Tumigil si Mang Johnny sa ginagawa at tinitigan siya.

"Sa nakikita ko, galit ka sa kanya. At alam mo ba kung bakit?"

Bumalik ang matanda sa pagbubunot saka nagsalita.

"Nagagalit ka, kase nag-aalala ka sa kanya. At kapag nag-aalala ka, ibig sabihin, may gusto ka."

"HINDI KAYA!"

Mabilis niyang depensa.

"Scarlet, sinong sinisigawan mo?"

Tanong naman ni Ciana na kararating lang.

Lumingon siya sa kaninang puwesto ni Mang Johnny pero wala na ito doon. Nakapagtataka na sa edad nito ay mabilis itong nakaalis na parang kasing-bilis ng pagpikit ng mata.

"Ah, wala."

Tipid niyang sagot.

Tumayo na siya para sana bumalik sa klase nila.

"Sumisigaw ka ba para ilabas ang inis mo kay Red?"

"Hindi ah. Sino ba siya? Palibhasa kupal."

Kupal. Kupal. Kupal. Kupal. Kupal. KUPAL FOREVER!!!!

Hinawakan ni Ciana  yung magkabilang-kamay ni Scarlet.

"Ano bang nangyayari Scarlet? Bakit parang kinakampihan mo na ngayon si BJ?"

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ginawa ko lang naman yun para sa kanya e."

"Ha?! A-anong ibig mong sabihin?"

Pilit hinuhuli ng kaibigan ang mga mata niya pero pilit niya naman itong iniiwasan. 

"Tinakot ka ba ni BJ? Tell me. Lagot talaga----"

"Hindi. Hindi ganon yun."

"Eh ano? Hahayaan mo bang magkasamaan kayo ng loob ni Red dahil lang kay BJ?"

Napaisip siya sa sinabi ni Ciana.

Nagdadalawang-isip siya kung dapat niya bang sabihin kay Ciana ang deal nila ni BJ.

Hangga't maaari kase, ayaw niyang malaman ni Red na ginawa niya ito para sa kanila. Hindi na niya gustong ibida ang 'maliit na sakripisyo' niya.

"Promise me Ciana na hinding-hindi mo 'to sasabihin kahit kanino ah? Hindi ko gustong malaman ni Red kung bakit ko kinakampihan si BJ. Alam mo naman na labag sa loob ko yun."

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon