☆ 33: Secrets ☆

35 1 0
                                    

THIRD PERSON

Pagkahatid ni Blue kay Sharlene sa bahay nito..

"Sharlene.."

Huminga siya ng sobrang lalim. Parang hindi niya yata kayang sabihin dito na alam na niyang ito ang isa sa mga may-ari ng footprints na iniimbestigahan nilang tatlo.

Iisipin niya palang na may kinalaman si Sharlene sa pagkawala ng baril ni Detective Diaz at insidente sa Hunted House kung saan muntik ng matamaan ng bala si Scarlet ay naghahatid na sa kanya ng matinding sakit  ng ulo.

Pero hindi niya kayang itago ito dahil alam niya naman na walang lihim na hindi nabubunyag. Isa pa, involve ang mga kaibigan niya dito.

Gusto niya lang naman malaman kung sino yung misteryosong  tao na may-ari ng isang footprints.

"Bakit Blue? May kailangan ka pa ba?"

Sabi nito habang nakahawak sa doorknob ng bahay nito. Walang mababakas na lihim sa mukha nito. Paanong ang itinuturing niyang anghel ng buhay niya ay makakagawa ng masamang bagay?

Nginitian niya ito ng tipid.

"Gusto ko lang sabihin na.."

Nawalan siya ng mga salita sa bokabularyo niya.

"Na?"

Kumunot na ang noo nito.
Ayaw niya sanang itanong pero biglang lumalabas sa isip niya ang lagay nila Red na masayang nagkukulitan kanina. Isa sa mga mahirap na gawin ay ang magpanggap na masaya  at walang iniintinding problema.

Kapag hindi niya sinabi 'to ngayon, sigurado siyang hindi siya patutulugin ng konsensya niya.

Pinilit niyang tingnan ang mga mata nito.



"Anong kinalaman mo sa taong nagtatago sa hunted house?"

Kitang-kita sa ekspresyon ng mga mata nito ang pagkabigla.

Pati rin naman siya nagulat e.

Ganyan na ganyan din yung reaksyon niya.

"Anong pinagsasabi mo Blue? Lasi---"

"Hindi ako lasing."

Biglang nag-iwas ito ng mga paningin.

Lumakad ito palayo sa kanya. Lumakad ito papunta sa bakuran ng bahay nila.

Tahimik naman siyang sumunod dito.

"Yung ginawa ni Gray na pamimigay ng sapatos sa mga schoolmate natin.."

"Yes."

Yes. Ginawa yun para malaman kung sino ang ka-match. Gusto niyang sabihin pero umuurong ang dila niya..

"Alam mo pala yun?"

Blue  cannot answer verbally. Tumango lang siya.

"Bukod sa'yo sino pang may alam?"

"Ako lang. Hindi ko pa nasasabi sa kanila. Dahil gusto na malaman ko muna ang side mo. Ayokong... ayokong husgahan o pag-isipan ka nila ng masama."


"Bakit?"

Tanong nito sa kanya na naghatid sa kanya sa kalituhan.

"Anong bakit?"

Tinalikuran siya nito. Gusto niyang hawakan si Sharlene but he knew it's not the good thing to do.

"Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa kanila?"

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon