THIRD PERSONHindi malaman ni Red kung anong kilos ang gagawin niya nang makita niyang may nakatutok na baril sa sentido ni Scarlet.
Agad na bumalot ang takot sa katawan niya.
Naalala niya yung sinabi nito kanina na paano kung may mangyaring masama at hindi na nito marinig kung ano man ang sasabihin niya.
Time is gold.
Sino nga bang mag-aakala na ganito ang mangyayari?
Napakamisteryoso talaga ng buhay. Kanina lang masaya ka, tapos biglang mapapalitan ng lungkot.
Walangyang universe ultimate rule na balancing na yan.
Tumigas ang panga niya nang magtama ang paningin nila ng lalaking may hawak sa babaeng mahal niya.
Kumuyom ang kamao niya nang makita niyang ngumiti ito.
"Hindi mo man lang sinabi na may mga highschool students ka pa lang back-up. Sana nagdala rin ako ng sa akin."
Agad na napalingon sa kanila si Detective Diaz. Halatang nagpapanic ang itsura.
Pero kaagad ding bumalik ang tingin nito kila Scarlet nang magsalita na naman yung lalaki.
"Sabagay. Magaling ka lang naman kapag may tumutulong sa'yo. Dati pa naman pabida ka na 'di ba?"
Sarkastiko nitong sabi.
May laman yun. At mukhang magkakilala ang detective at ang hostage taker.
"Pakawalan mo ang estudyante na yan. Ganyan ka ba kaduwag kaya kailangan mo pang manghostage ng minor?"
Napangisi ulit ang lalaki.
Gustong magmura ni Red dahil para bang sa isang kisapmata ay naging eksena sa isang action movie ang nangyayari ngayon sa harapan niya.
Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang magtama ang paningin nila ni Scarlet.
Gusto niya itong yakapin, patahanin at sabihing huwag na matakot dahil nandyan sya para ipagtanggol ito. Gaya na lang nung makita niya itong umiiyak nung muntik na itong tamaan ng ligaw na bala.
"Dad..."
Mahinang usal ni Scarlet habang tuluy-tuloy na umaagos ang luha nito.
Mas lumakas ang tawa nung lalaki.
"Tingnan mo nga naman. Ang anak mo pa ang lumapit sa akin? Tangina ang swerte ko."
Saka nito kinasa ang baril at mas itinutok pa nito sa sentido ni Scarlet.
Tumriple ang kabang nararamdaman ni Red.
Mukha namang natauhan ang dalawa niyang kaibigan na sila Gray at Blue kaya lumapit ito sa kanya.
"Huwag mo siyang idamay dito."
Kalmado pero maotoridad na saad ng Detective.At muli, umalingawngaw ang putok ng baril.
"Huwag mo akong uutusan! Hindi mo na ako under Diaz."
Matalim ang mata nito na tinitigan si Detective Roman.
"Ibaba mo ang baril mo."
Utos nito. Para bang huminto ang oras nang mga sandaling iyon para sa 3+1. Nakaabang sila kung susundin ba ng detective ang utos ng lalaki.
Sabay-sabay na napasinghap sila Blue, Gray at Red nang makitang ibinaba nito ang baril sa lupa.
"Ang tagal kong hinintay na dumating ang araw na ako naman ang susundin mo. At ngayon na nangyayari na, ang saya."
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Novela Juvenil"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...