☆ 39: Lost Chances ☆

54 5 0
                                    

How can you prepare yourself from a very big possible heartbreak?

Ang hirap hirap. Ang sakit sakit.
May tubong nakasaksak sa kanya. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya. Halos hilahin na niya lahat ng energy niya sa katawan niya para lang makahinga siya ng maayos.

Ako dapat ang nasa kalagayan niya. Ako dapat ang agaw-buhay.

Yung puso ko parang dinudurog.

Hindi ko na namalayan na muli na namang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

I wanted to hold his hand. I want him to know that I am here, that we can go through this together. This is our battle.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nilubus-lubos ko na nung kasama ko siya, nung nasa tabi ko pa siya.

Hindi naman siya mamatay diba? Sabi niya hindi madaling mamatay ang masamang damo. Sinabi niya yun e. Kaya naniniwala ako na malalagpasan niya 'to.

Gusto kong bumalik siya. Yung kahit asarin niya ako araw-araw. Basta wag lang yung gan'to. Na parang machine na lang ang nagsusustain ng buhay niya.

"Scarlet.."

I wiped my tears.

I looked at him.

And again, I saw the mixture of agony and concern on his eyes.

I smiled bitterly.

"Sana po sinabi niyo agad na hindi kayo ang tunay kong papa. Sana hindi niyo ako pinagmukhang tanga."

A tear fell on his cheeks.

"Anak naman."

Napahilamos siya ng mukha gamit ang dalawa niyang palad.

Kasunod nun ang pagpapakawala niya ng malalim na buntong-hininga.

"Hindi yun totoo."

Hinawakan niya yung magkabila kong balikat. Napatitig lang ako sa kanya.

"Nagsinungaling ako nung sinabi kong si BW ang papa mo. Pakana ko lang yung para ma-divert yung focus niya. Kaso pumalpak nga lang. Sorry. Mapapatawad mo naman si dad diba?"

He explained.

But to be honest, I'm so tired of their sorries. Quota na ako.

-

Nagising ako sa pagkakaidlip nang marinig ko ang boses ni Tita Risa.

Umiiyak siya.

Napalingon ako kila Blue at Gray.
Ano bang nangyayari?

Nakatulog lang ako saglit.

Inalog ko yung braso ni Dad.

"Si Red po?"

Hindi ko nagustuhan ang reaksyon nila. Iniiwasan nila ako ng tingin.

"Wala bang gustong sumagot sa tanong ko?"

Pag-uulit ko.

Pero wala, tahimik pa rin sila.

Binuhat ko yung sarili ko patayo.

"Hindi maganda ang resulta ng heart surgery niya."

Muli na namang kumirot yung puso ko. Hilam na hilam na yung mata ko kakaiyak pero hindi pa rin nauubos tong mga luha. Putangina saan ba 'to nanggagaling? Bakit ba ayaw nilang lubayan yung mata ko?! Hindi dapat sila umaagos! Sila yung implikasyon na mahina ako! At hindi ako mahina! Kase matapang ako! Kailangan kong maging matatag kase ako yung pagkukunan ni Red ng lakas ng loob..

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon