PAGKABABA namin sa motor ni Gray, agad akong napatingala sa three-storey building na nasa tapat namin.
Isa sa mga jewelryshops ng pamilya niya ito, kung hindi ako nagkakamali.
May lumapit sa amin na lalaking naka-two piece black suit. Mukha na siyang nasa late 40's.
Yumuko siya kay Gray.
"Welcome, Young Master."
Young Master.
Siguro kung hindi ko lang kilala 'tong si Gray, matagal ko na 'tong pinakidnap at humingi ako ng milyun-milyong ransom sa parents niya. Sa totoo lang, alam kong mayaman siya, pero hindi ko alam kung gaano. Basta mayaman na mayaman. Hindi nga dapat siya nag-aaral sa Star University e. Gusto ng parents niya na sa London. Tumutol siya kase ang dahilan niya, hindi niya maeenjoy ang highschool life niya kapag hindi kaming tatlo ang kaklase niya. Sa college na lang siya papasok doon.
Yumuko rin sa akin yung lalaki na tinawag siyang Young Master.
"Welcome, young lady."
Nginitian ko siya bilang sagot. Feeling royal blood naman ako dun sa young lady.
"Ayos na ba yung mga pinapagawa ko?"
Tanong ni Gray.
"Yes young master. Kanina pa po."
Tinanguan siya ni Gray tapos saka niya ako hinawakan sa kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.
Habang nasa hallway, nakapila yung dosenang saleslady or should I say, mga dyosang staffs nila.
Grabe, ang gaganda nilang lahat! Pwedeng-pwedeng maging flight attendant sa tangkad! Mga beauty queens yata ang mga 'to e!Winelcome rin nila kami ng gaya ng ginawa nung isang lalaki. Para pa ngang kinikilig sila habang bumabati kay Gray. Ang gwapo naman kase talaga ni Gray. Mala-Alden yung arrive.
Naglibot-libot kami ni Gray sa bawat sulok ng shop na 'to. Kumikinang ang mga mata ko sa ganda ng mga alahas na nakikita ko.
Nilingon ko si Gray na nasa likuran ko. Hanggang ngayon wala pa rin kase akong ideya kung bakit niya ako dinala dito. I mean, ito ba yung celebration na sinasabi niya? Walang party?
"Ahmm, Gray, bakit nga pala tayo nandito?"
Pabulong kong sabi.
Nakangiti niya akong sinagot.
"Dinala kita rito para mamili ka ng kahit na anong jewelries na gusto mo."
Omg. Plural.
"Bakit naman?"
Seryoso, wala akong ideya.
"Hindi ko kase alam kung ano yung ibibigay ko sayong birthday gift. Hindi ko alam kung magugustuhan mo. And to make it sureball, ikaw na lang ang pumili. Don't worry, hindi kita pagbabayarin."
I pouted.
"Kailangan pa ba nito??"
Kumunot naman yung noo niya.
"Ayaw mo ba?"
Parang nagbago yung tono ng pananalita niya. Naging parang nagtatampo ng slight.
"Ehhh. Kase nakakahiya."
Hinawakan niya ulit yung kamay ko.
"Walang nakakahiya. Hindi ka naman magnanakaw e. It's your birthday. Halika na. Marami pa sa left side ang magagandang designs."
Hindi man lang niya ako pinagbigyang magprotesta. Pumunta kami dun sa left side na sinasabi niya.
May umalalay na dalawang saleslady samin.Yung isa na pinaka-head yata dito ang kumuha ng isang kwintas na super ganda talaga. Star yung shape nung bato. Kung hindi ko pa nasasabi, astrophile kase ako.

BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...