☆ 3: Watergun ☆

152 10 6
                                    


"Bakit ka may baril? Nagdadala ka ng baril?"

Nagtataka kong tanong.

"Bakit nagulat ka? Pangself-defense ko 'to."

Taas-noo niyang sagot.

"Ngayon, isang maling kilos lang, mawawalan ng bida ang istoryang ito."

Banta niya.

"Putangna."

Mahinang bulong ni Red.

Mas tinutok pa ni Damulag ang baril sa dibdib ni Red.

Nabalot ng tensyon ang buo kong sistema.

Nagsitakbuhan ang ibang mga tao pero hindi pa rin yun nakabawas sa mas lumalaki pang komosyon dito.

"Sige subukan mo yang iputok. Sisiguraduhin kong magkakamatayan tayo."

Sabi ni Blue na nanginginig na ang mga kamao.

Tinignan ko si Gray. Hindi ako magaling sa ganito. Naduduwag ako...

"Shut up Blue. Wag ka ng makiepal. Asikasuhin mo na lang yang babae mo."

Sht.
Sharlene's shoulder is trembling.

Goddamn.

Pumuwesto ulit ako sa unahan ni Red.

At kahit natatakot ako, hinarap ko si damulag.

"Scarlet! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

Sabi na e. Hindi talaga pwedeng hindi pumalag ang lider namin sa mga ganitong sitwasyon.

Bahagya ko siyang nilingon.

"Alam ko ang ginagawa ko. Kaya dyan ka lang sa likod ko. Patay ka sakin kapag pumalag ka pa."

Nabalik ako sa huwisyo dahil sa palakpak ni damulag.

"Galing naman. Dito niyo pa talaga napiling magpaka-lovebirds. Nakakakilig naman."

"TUMAHIMIK KA!"

Sabay naming sigaw.

Nagkatinginan kami ulit dahil sa parehas na lumabas sa mga labi namin.

Medyo natameme si BJ. Tinigasan niya yung panga niya.

"Eh kung puruhan ko kaya kayong dalawa ha?"

Sabi niya habang nanlalaki ang mga mata at halos umusok ang ilong sa galit.

Masyadong mabilis, nakita ko na lang na hawak na ni Gray ang baril at nakangisi habang tinititigan yun.

"Ibalik mo yan sakin!"

Sigaw ni BJ.

Pilit niyang inaabot-abot ang pistol sa kamay ni Gray pero nung malapit na niyang makuha, hinagis yun ni Gray sa katabi ko. Astigin. Pagkakaalam ko mabigat ang baril pero kung saluhin ni Red parang ang gaan-gaan lang.

"Ano ako tanga?" Sagot ni Gray kay BJ.

Lumapit siya sa'min.

"Don't worry guys. Wala pa namang namamatay sa watergun."

Halos mapanganga ako sa narinig ko.

Watergun????!!!!!!!!!!????!!!

Tiningnan ko yung kamay ni Red na may tubig.

* uyyy grabe naman! Watergun hahaha*

*hahhaha pohta lofet ni Kuyang BJ! Poorkid ampotek*

Komento ng mga usisero.

Gusto kong matawa dahil halos atakehin na ako sa kaba tapos peke lang pala yung  baril. Lupet pala nitong mang-goodtime ni BJ. May sense of humor pala siya.

Umatras siya pero nahawakan siya agad ni Blue, tatakas pa e.

"Nananakot ka gamit ang watergun? Ibang klase ka rin pala eh noh? Ang lakas siguro ng sapi mo. Abnormal ka. Akala mo ba mapapalampas ko 'to?"

Seryosong sabi ni Red.

"Ipakuyog kaya kita sa mga badjao dyan sa tabi-tabi?"

"Oo nga. Magandang ideya yan Pula."

Pagsang-ayon ni Blue.

Lumuhod si damulag sa harap ko, hindi ko inaasahan yun.

"Scarlet, sorry na!"

Halos nagmamakaawa niyang sabi sakin. Ang laki-laking damulag tapos takot sa badjao? Hahahahha ano pa bang joke ang tatawanan ko?

"Much better if you will use that gun to him, Red."

Suhestiyon ni Gray.

Tinapik siya ni Red sa balikat.

"Oo nga noh? Bright idea, Abo!" Tataas-taas na kilay niyang pagsang-ayon.

Binalingan niya ulit ng atensyon si damulag.

"Naligo ka na ba ha baby damulag????"

Natatawang tanong niya.

Tinutok niya yung watergun kay BJ. Todo hinge naman ng tulong ang damulag na 'to sa 'kin pero inirapan ko lang siya.

Ang lakas na ng tawanan sa paligid. Marami rin kase ang naiinis kay BJ. Kilala kase yung Daddy niya na isang corrupt na kongresista. Mandurugas pa.

Napatigil kaming apat sa pagtawa nang may marinig kaming sunud-sunod na nag-click.

Media.

"Laman na kayo ng diyaryo bukas kaya humanda kayo sa pagpapahiya na ginawa niyo kay Bossing."

Sabi ni Sherwin. Halos maningkit ang mata ko.

Nakatutok ang pekeng baril kay BJ na nakaluhod ngayon. Itinaas niya ang mga kamay niya na kung iba ang makakakita, para siyang papatayin ni Red.

Muntik ko ng masapak si Sherwin pero pinigilan ako ni Gray dahil baka mas lumala pa daw.

Tinulungan naman ni Paul na makatayo si damulag.

Nagsilapitan sa amin ang mga sa tingin ko ay mga columnist sa isang  newspaper company na kinokontrol ng daddy ni BJ.

Kinukuhanan pa rin nila kami ng mga pictures.

Tinulak sila ni Red.

"Tigil niyo nga yan! Bakit niyo kami kinukuhanan?"

"Kalma Pula. Sa tingin ko sineset-up tayo."

Sabi ni Blue.

"Ano?!"

"Sabi ko naman sa inyo, ako ang mananalo. So, babye na three plus one?"

Nagwave pa ng kamay si BJ bago siya pumasok sa kotse niya.

"Ayon sa naabutan namin, pinagtangkaan niyong tatlo ang buhay ng kaisa-isang anak ni Congressman Rod Cuenca. Kaya yun ang ibabalita namin!"

Sabi ng isang reporter na may edad na. Para siyang bakla.

"Ah talaga?"

Gigil na hinugot ni Red ang kamera ng reporter at marahas na binasag yun.

"HOY! Bakit mo binasag?! Ang mahal mahal kaya ng camera!!"

"Wala akong pake."

This can't be happening.

For sure, Road to Demerit kami.

I am so dead.

---tobecontinued---

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon