☆ 26: Pen Name ☆

42 2 0
                                    

Napasapo sa noo si Scarlet habang tahimik na pinapakinggan ang malalakas na sigaw ni Congressman sa labas ng classroom nila. Last period na ng klase nila under Prof Katie Perra, Statistics and Probability. Ang subject na mukhang madali pero matechnical kaya mahihirapan ka. Feeling niya any moment, puputok na ang mga ugat niya sa tindi ng stress. Drained na siya sa pag-aaral, dadagdag pa sa problema ang immature na mag-amang Cuenca.

"Congressman, we're in the middle of the class. I hope you will understand if I say-"

"Sinasabi mo bang maghihintay pa ako?"
Masungit na sagot nito. Hindi man lang pinatapos ang guro sa kung ano mang sasabihin nito.

"Tsss. Mag-tatay talaga sila ni damulag! Manang-mana sa kanya si BJ, parehas silang walang galang sa mga babae."

Pabulong niyang sabi pero narinig pa rin ni Ciana at Sharlene na katabi niya lang.

"Sorry Scarlet, mukhang ako na naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari 'to."

Malungkot na sabi ni Sharlene. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Scarlet. Inabot niya yung kamay ni Sharlene.

"Nagkataon lang siguro. Huwag mong sisihin ang sarili mo."
Nakangiti niyang sagot. Nginitian rin siya nito.

Sumulyap siya sa puwesto ng tatlo. Napangiti siya, kase kahit na may hindi pagkakaunawaan si Gray at si Red, nagawa pa rin ng mga ito na magtabi. Yun kase ang nasa seatplan. Hindi naman sa inaabangan niya, pero chinecheck niya kung mag-aaway na naman ang mga ito. She had enough of that. Ayaw niyang seryosohin ang away ng dalawa. Ayaw niyang isipin na dahil sa kanya kaya nagkakaganun si Gray. And last, ayaw niyang maniwala na gusto siya ni Red gaya ng palaging iniinsist ni Gray. To good to be true. Yung crush mo, crush ka din? Oh common. Hindi na siya aasa. Paano kung hindi? Siya ang kawawa sa huli.

Nabalik siya sa huwisyo nang marinig na naman niya ang pangalan ni Red at si Blue. Pinapapunta ang nga ito sa police station. Lupet. Real quick! From Principal's office to Police Station! Level-up!

Nagkatinginan sila ni Ciana. Nabasa niya na may iba sa tingin na iginagawad nito sa kanya mula pa kanina. Siguro dahil sa sinasabi nga ni Gray na gusto siya ni Red, kaya naman naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Malamang nagseselos 'to. Pero hindi ba si Scarlet ang dapat na makaramdam nun? Tumatakbo ang oras, ilang linggo na lang sasapit na ang graduation day.

"Gandahan niyo ang statement niyo ah? Dapat according sa script."

Sabi ni Damulag.

Anong pinagsasabi nitong according sa script? Gago ba siya? Gago nga talaga yata. Si Blue at Red na nga ang tumulong sa kaniya tapos ginaganito niya pa! Grabe.. siguro nalamog ng kung sino mang bumugbog sa kanya ang utak niya kaya lumala ng ganyan ang pag-iisip niya. Nagsisi tuloy ako na hindi pa siya natuluyan. Kase habang nandyan sila ng daddy niya, hindi matatapos ang kalbaryo namin. Gagraduate na kami, dapat nag-eenjoy kami. Kaso hindi e. Puro letseng problema ang inabot namin! Ano na lang ang maaalala namin sa mga last days namin dito sa Star Univ? Puro mga patawag? Nah. That was a big no no.

Sabi ng isip niya. Gusto niyang mangialam. Gusto niyang pigilan si Blue at Red sa paglabas sa classroom nila. Because the moment they stepped off, that only means, they lose the game.

Hindi naman talaga siga at warfreak ang grupo nila e. Hindi mala-gangster ang 3+1. Matitino sila, lapitin nga lang sa gulo.

Nararamdaman niyang tutulo na naman ang mga luha sa mata niya. Emosyonal talaga siya kapag mga ganitong sitwasyon. Konti na lang, mawawalan na siya ng pag-asa.

"Go now, Mister David and Mister Montero. Fixed your problems."

Utos ni Prof Katie. Tumango naman ang dalawa saka binitbit ang bag nila at walang-lingon na lumabas. Pati si Gray walang nagawa.

Pinigilan niya ang emosyon niya. Walang magandang mangyayari kung magpapaapekto siya.

Pagtapos ng klase, promise, susuportahan ko kayo. Laban ng isa, laban ng dalawa, laban ng three plus one.

-

Sa police station.

"Magsasalita ba kayo o hindi? Kanina pa tayo dito, pero wala pa rin kaming naririnig na kahit ano mula sa inyo."

Naiinis pero nagtitimping sabi ng isa sa mga pulis na kumukuha ng statement nila Blue at Red.

Dinikit ni Red ang likod niya sa backsupport ng upuan niya at saka ipinatong ang kamay niya sa mesa.

Si Blue naman ay nilalaro ang goma sa daliri nito. Gumagawa ng double star.

Kung pagmamasdan sila, halatang bored na ang mga aura nila, which is totoo nga. Mula ng sumama sila kay Congressman at mapunta sa lugar na 'to pinaulanan agad sila ng mga tanong tungkol sa nangyayaring pambubugbog kay BJ.

Wala silang balak magsalita. Tutal hindi naman maniniwala sa kanila ang gurang na yon, might as well, tatahimik na lang sila.

Mukhang napuno na ang pulis na kumakausap sa kanila kaya naman lumabas ito at sa pagbalik nito, kasama na nito si Congressman.

Naka-crossed arms pa ito habang tinititigan sila ng matalim. Umiwas na lang sila ni Blue na tingnan ito dahil natatawa lang sila.

"Kanina, habang nasa parking lot ako, may nagbato sa sasakyan ko. Nabasag ang salamin ng kotse ko. Tapos pagkababa ko para icheck, may nakita ako na index card, bulaklak at kandila sa sahig."

Natawa silang dalawa nang marinig nila ang kwento nito.

Pucha. Ano yun? Lapida? Libing? Undas? Tangina naman! Ang galing ng nangtitrip sa mag-ama na 'to ah! Nakakatuwa ang mga tactics!

Sabi ni Red sa loob-loob niya.

Kung sino man yun, napapahanga na niya ako. Kahit pa kami ang nadidiin sa ginagawa niya.

Sabi naman ni Blue sa loob-loob niya rin.

Nagkatinginan si Red at Blue na para bang naririnig nila ang sinasabi ng bawat isa.

Nilapag ng kongresman sa mesa ang index card na sinasabi nitong nakita niya.

Kinuha niya ito at binasa.

Tigilan mo ang 3+1. Kung ayaw mong patayin ko kayo ng anak mo.
-BW

Bukod sa nakasulat ito gamit ang pulang tinta, isa sa mga nakakuha sa atensyon niya ay ang pen name nito.

BW?

Kinuha sa kanya ni Blue yung index card.

"Hindi kami ang may pakana niyan."

Pagkumpirma niya, alam niya na yun ang hinihintay ni Congressman--- ang sagutin niya kung sila yun.

Napasabunot naman ito sa buhok nito.

"Huwag niyo ng i-deny!"

Sigaw nito. Parang bata na inagawan ng laruan. Inis na inis ang facial expression nito.

Napatuwid siya sa pagkakaupo.

"Pinipilit mo na kami ang nanakit sa anak mo, tapos ipipilit mo rin na kami ang nanakot at nambabanta sa'yo?"

"At sino kung hindi kayo?! Utusan nyo?!"

"BW." Tipid niyang sagot. God knows how hard he tried to stay calm.

"BW? Kasabwat niyo noh?"

Napatiim-bagang siya sa panibagong tanong nito.

"Hinding-hindi ko na palalampasin ang lahat ng ito! Sinasabi ko sayo Red, hindi kayo ga-graduate."

Hindi ga-graduate.

Tangina. Narinig na naman niya ang mga salitang yan.

"Fine! Edi wag grumaduate!"

Inis niyang sigaw.

Tumayo siya bubuksan na sana ang pintuan nang bigla nitong iniluwa ang taong ayaw niyang makita ngayon.

---tobecontinued---
Follow. Vote. Comment.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon