"P-PO?!???"
Sa gulat ay napasigaw ako sa narinig ko. Tiningnan ko kaagad si Dad. Hindi mahahalata na kinakabahan siya pero bakas sa mga mata niya yun.
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, nawawala talaga. H-hindi----"
Nahinto sa pagpapaliwanag si Principal Imperial nang lumapit si Dad sa table niya.
Halos pabulong na nagsalita si Dad.
"Mr. Imperial, isipin mong mabuti kung saan mo nailapag. Hindi pwedeng mawala yun! Malapit ko nang isurrender ang baril ko. Alam mo naman siguro na pa-retire na ako. Hindi pwedeng hindi ko yun mahanap! Kaya please lang alalahanin mo kung saan mo inilapag."
"Sorry Detective. Sorry talaga."
"Huwag ka mag-sorry. Ang kailangan ko ay yung baril."
Saglit akong napaisip.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Dad. Hindi ako papayag na hindi ko magantihan si BJ. Nauna nang umalis si Congressman kaya naman may pagkakataon ako para bigyan ng leksyon ang anak niya.
Agad kong hinanap sa hallway si BJ. Pinigilan ako ni Dad pero hindi ako nagpatalo.
Nakita ko naman siya na hindi pa masyadong nakakalayo.
Nagkatinginan kami nila Ciana at Sharlene. Talo siya sa pustahan kaya naman dapat na siya ang ma-ahluukà.
"MGA KAPWA KO STUDENTS NG STAR UNIVERSITY.....!"Dahil lunch break, maraming tao sa hallway at canteen ang nagsilapitan sa akin.
"Natalo sa aming pustahan si BJ. Kaya pwede bang ituloy ang pag-a-ahluukà sa kanya?"
Nagpalakpakan ng malakas ang iba. Natigilan si damulag.
Tatakbo pa sana siya palayo pero inunahan ko na siya. Hinabol ako ni Dad para pigilan ako. Hinabol rin kami ng ibang mga students kaya naman nakihabol na rin ang Principal sa pagsusuway.
"Kapag naabutan kita yari ka sakin!!!!"
Hinubad ko yung sapatos ko at buong lakas na hinagis yun sa likod niya.
Hindi ko inaasahan na haharap siya kaya naman ayun. Bull's eye.Napamura siya sa hapdi.
Nung maabutan ko sya, bigla namang sumulpot sila Dad at Mister Principal.
"Hindi kaya..."
Sabay na napatingin sa akin silang dalawa.
"Hindi po kaya, nabitawan niyo Mister Principal nung hinabol niyo ako kanina?"
"Ano??"
Nagtatakang reaksyon ni Dad.
"Hindi ho ba, bitbit nyo yun kanina? Nakita ko e."
Nagbago naman yung reaksyon niya. Kinapa niya yung mga bulsa ng coat niya.
"Oo nga! Naaalala ko na. Kaso, nawawala talaga."
Napabuga ng malakas na buntong hininga sa hangin si Dad.
"But dont worry. I will ask guards and janitors to find it as soon as possible. But as for now, wala ng demerit na mangyayari."
"Okay sige. Babalik ako bukas. Basta hanapin niyo."
"Sureness Detective Diaz."
"I'll go ahead. And you," turo ni Dad sakin. "Mag-uusap tayo mamaya. Sige na. Bumalik ka na sa klase mo."
Para akong tuta na tumango sa utos ng amo ko.
Hinalikan ko sa pisngi si Dad at lulugo-lugo akong bumalik sa room. Saktong kakapasok lang ng Science and Math Prof namin na si Miss Katie Perra. Two subjects ang ituturo niya kaya naman hanggang 4 pm namin siya kasama. Magaling siya magturo. Hindi nakakaboring. Pero nakakabobo. Alam niyo yun? Combination kase ng Math at Science. Tsk.
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...