☆ 10: Park ☆

73 5 0
                                    

THIRD PERSON

Inis na tumakbo si Red papunta sa lugar kung saan niya huling nakasama ang kanyang ama--park na malapit lang sa University nila.
Doon siya laging nagagawi sa twing nararamdaman niyang puputok siya sa sobrang galit. O di naman kaya'y twing sobrang down na down siya.

Ina at tiyahin na lang ang meron siya. Pandagdag kalungkutan pa na solong anak lang siya.

Tandang-tanda niya ang mga pangyayari noon. Nine years old siya nang mangyari ang aksidenteng bumago sa takbo ng buhay niya.

Umupo siya sa bleachers at inalalang muli ang araw na yun.

February 11, ****

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng batang Red nung araw na iyon. Naglalaro sila ng papa niya ng paborito nilang libangan, yun ay ang baseball.

Nang makaramdam ng pagod ay umupo sila ng papa niya sa tabi ng mama niya na kasalukuyang naghahanda ng merienda nila.

"Ang bango po!"

Masigla niyang puna sa amoy ng barbecue.

Ginulo ng papa niya ang buhok niya.

"At masarap."

Nakangiti nitong sabi.

"Hay nako. Binobola na naman ako ng mag-ama ko."

Sabi naman ng mama niya.

"Hindi po! Ikaw po talaga ang the best magluto sa buong mundo mama!"

Puri niya pa.Saka niya ulit nilantakan ang barbecue.

"Tama. Kaya nga mahal na mahal ni papa si mama eh!"

At para namang teenager na kinilig ang mama niya sa matatamis na salita ng papa niya.

"Kapag malaki ka na Ryle, dapat katulad ka din ni papa ha? Mahalin mo rin ang asawa mo ng gaya ng ginagawa ni papa kay mama. Lagi mo siyang pasisiyahin at wag mong kakalimutang iparamdam sa kanya na mahal na mahal mo siya."

Napaisip siya sa tinuran ng papa niya.

Mahinang hinampas ng mama niya ang braso ng papa niya.

"Ano ba yang mga tinuturo mo kay Ryle? Masyado pa siyang bata para sa ganyan."

"Hindi ah. Alam kong malapit na dumating ang araw na magkakagusto yang anak natin. Kaya dapat alam niya na na hindi dapat siya naglalaro ng damdamin at mas lalong hindi dapat siya manakit ng babae."

Binalingan siya ng tingin ng papa niya. Hawak-hawak na nito ngayon ang bola ng baseball, gloves at bat.

"Ryle makinig ka ng mabuti sakin. Ikaw ang lalaki, ikaw ang kumakatawan sa gloves na ito. Ikaw ang magpoprotekta sa bola na kumakatawan sa mahal mo. Ikaw ang magsisilbing proteksyon niya kasama ng matindi mong pagmamahal sa kanya. Ingatan mo siya. At wag na wag mo siyang papalayuin kung alam mong nasasaktan ka. Hindi ka dapat maging bat na hinahampas ang bola palayo."

Inakbayan ng papa niya ang mama niya.

"At kung dumating ang panahon na ikaw na lang ang nandyan sa tabi ng mama mo, alagaan mo rin sya."

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo Alex."

"Seryoso ako Marissa."

"Ryle, ipangako mo sa akin na poprotektahan mo si mama mo. Bago mo protektahan ang babaeng mamahalin mo balang araw, mahalin mo muna ang mama mo ng walang kapalit. Irespeto mo siya sa lahat ng oras. Dahil kung itatrato mo ang mama mo ng tulad sa tinuturo ko, makakasigurado akong magiging gaya mo ako. Diba idol mo si papa?"

Tumango naman siya.

"Opo! Aalagaan ko po si mama. At ilalayo ko po siya sa mga kaaway."

"Ganyan nga. Talaga ngang anak kita, Ryle Enz David."

Pagkatapos sabihin ng papa niya yan, bigla na lang itong nanigas sa kinauupuan nito.

Nagawa pa nitong hawakan ang likod ng ulo nito na may dugong umaagos.

Hindi nakatakas sa paningin niya ang panlalaki ng mata ng mama niya sa gulat.

Nataranta silang dalawa.
Tinamaan ng ligaw na bala sa ulo ang papa niya. Sinubukan nilang isugod sa ospital ang papa niya pero dead on arrival ito.

Hindi na rin nila nahanap kung sino ang may gawa ng ligaw na bala na yun.

Inis niyang sinuklay gamit ng kanyang kamay ang buhok niya.

Maraming tanong ang pumapasok sa isip niya.

Bakit niya sinigawan ang mama niya?

Bakit hindi niya magawang maging mapagkumbaba?

At higit sa lahat, bakit naiinis siya ng todo sa sarili niya?

Puro frustations ang laman ng isip niya.

Puro problema.

Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan niya dahil naaalala niya ang papa niya.

Isa pa, when it comes to her mother, wala siyang aatrasang laban. Walang pwedeng mang-api sa mama niya. Kaya naman nagawa niya itong sigawan kanina.

Nabalik siya sa huwisyo nang mag-ring ang cellphone niya.
Nagtext si Abo.

Pula, magkita tayo sa tambayan. Manood tayo ng fake taxi.

Bigla siyang natawa.

Fake taxi. Pucha.

May kamanyakan din talaga si Gray e. Hinilamos niya ang mga palad niya sa mukha niya.

Hindi naman masamang takasan ang mga problema.
Hindi rin masamang kalimutan ang nakaraan.

Malaki na siya. At dapat harapin niya na ang lahat.

Tumayo na siya. Uuwi na sya. Ang tinutukoy na tambayan ni Gray ay ang kwarto niya.

Magka-cut na naman sila ng klase.
Sabagay. Hindi naman talaga sila dapat papasok kung hindi lang dahil kay Scarlet.

Maaga siyang tinawagan ni Blue kanina. Nagtext daw si Sharlene na maa-ahluukà si Scarlet. Loka-loka talaga ang kaibigan nila. Napabalikwas siya sa higaan at mabilis na nag-asikaso. Tinatamad pa nga siyang bumangon kase nagpuyat silang tatlo kakapanood ng Slumdunk. Tapos nagkwentuhan pa.

Balak na talaga nilang hindi siputin ang meeting dahil alam nilang magdadramahan lang sila sa loob ng Principal's office.

Alam niyang takot sa multo si Scarlet kaya naman kinabahan siya ng malaman niya na ikukulong 'to sa hunted building.

Maangas at kilos lalaki ang kaibigan niya pero alam niyang may kaduwagan din ito sa dibdib.
Kaya naman ng makita niyang buhat-buhat si Scarlet, parang umakyat ang dugo niya sa utak niya.

Tapos ang tagal pa nilang nagkatitigan kanina. Medyo nailang siya kaya naman binagsak niya ito.

Hilig kase maging impulsive kaya naman di niya mapigilang wag mainis dito. Laging nagdedesisyon ng basta-basta kaya napapasabak ng hindi handa.

Si Scarlet lang ang nag-iisang babae sa grupo nila kaya naman hindi sila masisisi kung mag-aalala sila ni Abo at Asul. Isa pa, parang tatay na rin ang turing niya kay Detective Diaz.

Habang nasa daan pauwi, may nasalubong siyang bata na may hawak na lobo.

Sa susunod na bukas ay 18th birthday na ni Scarlet. Yun din ang ika-1Oth Death Anniversary ng papa niya. February 11.

May naalala siya bigla kaya nag-iba siya ng daan.

---tobecontinued---

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon