☆ 30: The Answer ☆

35 2 0
                                    

Wala akong ideya kung magsasalita pa ba siya. Kanina pa sya tahimik at walang kibo. Nagpapalitan lang kami ng paghinga. And that's all. Walang ganap. Nang bigla siyang magsalita..

"Alam mo Scarlet, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong mo."

Nararamdaman ko ang sunud-sunod na pagtibok ng puso ko. Sana merong glue or rugby 'tong paa ko kase baka mamaya bigla na lang ako matumba.

I met his gaze. Seryoso yung mukha niya. Malayong-malayo sa mapang-asar na Red.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung..."

Natigilan siya sa kung ano mang kasunod ng sasabihin niya. Para siyang nagdadalawang isip. Ewan ko. Hindi ko mabasa yung facial expression niya.

Mas lumalamig na ang simoy ng hangin kahit malapit na ang March. 

Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Paano kung ireject niya ako? Kakayanin ko ba? First major heartbreak ko yun kapag nagkataon! Siya lang naman kase ang ginusto ko ng ganito e... sa kanya lang ako nagkakaganito.

"Wala akong gusto sa'yo."

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

Lumuwag yung pagkakakapit ko sa leeg niya.

Ano ulit yung sinabi niya?

Wala akong gusto sa'yo.

Lumakad ako palayo dahil pakiramdam ko, tutulo na ng walang tigil yung mga luha ko na matagal nang gustong kumawala.

Ang sakit sakit palang marinig mula sa taong gusto mo na wala siyang gusto sa'yo. Talaga ngang ayaw niya sa'kin. Sinasampal na sa akin ang katotohanang wala akong karapatang sumaya at mahalin pabalik ng taong wala akong ginawa kundi mahalin siya...

Hinang-hina akong umupo sa inuupuan niya kanina. Yumuko ako dahil ayokong makita niya na iniiyakan ko siya. Pero tangina ang hirap!

Ganito pala yung feeling na parang may kumukurot sa puso mo pero wala naman talaga.

Kanina, hinahanda ko pa lang yung sarili ko, pero kahit anong pag-iwas ko, masasaktan at masasaktan pa rin pala ako hanggang sa huli.

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko.

At kahit anong pigil ko na wag niyang marinig ang paghikbi ko, sa sobrang lapit niya, imposible.

Bakit nga ba ako umaasa na sasabihin niya na gusto niya rin ako?

Bakit ba ako umaasam na he will feel the same way?

Wala palang reciprocity sa totoong buhay. Niloloko lang tayo ng Math..

Akala ko, kahit konti meron.
Akala ko kahit minsan, sumagi sa isip niya na baka pwede, na posible.

"Hindi na ako nagtaka kung bakit mo ako nagustuhan."

Ayoko ng pakinggan yung mga sasabihin niya. But do I have a choice? We can close our eyes to the things we don't want to see. But we can never close our ears to the things we don't want to hear. And I think my heart will shatter into million pieces because of this.

"Mula pagkabata, magkasama na tayo. Para na tayong magkapatid  sa sobra nating close."

Bullshit na 'parang magkapatid' na yan!

"Hindi ko deserve ang iyakan ng gaya mo."

Mas lalo akong naiyak.

I used to believe we are meant for each others..

"Sorry kung nasaktan kita. Pwede mo naman akong maging boyfriend ngayong gabi kung gusto mo. Para naman mabawasan ko yung kasalanan ko."

Tama ba ang pagkakaintindi ko na inooffer-an niya ako ng one night stand?

Hindi ako sumagot. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hinga.

Gusto ko siyang sampalin kase para bang mababang uri ako ng babae. Kahit naman patay na patay ako sa kanya, ayoko ng one night stand na yan!

Kung magiging akin lang din naman siya, bakit hindi pa habambuhay? Bakit isang gabi lang?

I wiped my tears.

I looked at him. Our eyes met.

"Alam mo, wala kang kwenta! Napakawala mong kwenta!"

Pinilit kong tumayo kahit na nahihilo ako. Aalalayan niya sana ako pero agad akong umiwas.

"Are you aware that your words are like a hurricane? It blew away my first love.. kahit ang possibility ng secret crush, nawala.."

Tinititigan niya lang ako. Nakikinig.

"Bakit nga ba sa'yo pa ako nagkagusto? Eh alam ko naman na hindi mo deserve yun e! Ang tanga-tanga ko kase umasa ako!"

"Scarlet huwag kang sumigaw."

Mahinahon niyang sabi sa akin saka rin siya tumayo.

Tumawa ako.

"Lasing ako!",tumingin ako sa paligid, "Sasabihin ko kung ano ang gusto ko!"

"Wala kang kasing-sama!
Ano bang temperature ng puso mo? Negative 100 celsius?! Mahihiya ang ref sa sobrang lamig!"

"Tama na."

"Hindi! Ayokong tumigil! Matagal ko nang gusto 'tong isigaw! Ano bang kulang sa akin? Mahirap ba akong magustuhan?"

"Sabi ko tama na!"

Natigilan ako sa pagtaas ng boses niya.

I hold my breathe.

Para na naman akong maiiyak.
Ang sakit sakit pa rin kahit nasabi ko na yung gusto kong sabihin e..

Pinunasan ko ulit yung luha ko.

"Natrapik lang yung prince charming ko."
Mahinahon na yung tono ko.

"Kapag dumating siya, sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ang gabi na nireject mo ako."

"Scarlet.."

Lumapit siya sa akin at sinubukang hawakan ako pero itinaboy ko siya.

"You are worthless."

I said using a cold tone.

"Mali ako na mahalin ka. Hayaan mo, darating din yung araw na mawawala rin 'tong feelings ko. Pipilitin ko na gawing mabilis. Never count what I confessed. Isipin mo na lang na hindi 'to nangyari."

Saka ako tumalikod. Nakakaisang hakbang pa lang ako ng bigla niyang hablutin ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

He kissed me without a warning.

Kung kanina hinihiling ko na magka-rugby ang paa ko, ngayon ayoko na. Hindi ako makatakbo..

He cupped my face.
Ang higpit.

Para bang kakawala ako anytime.

Nawalan ako ng lakas na itulak siya. Hindi na rin gumagana ng maayos ang utak ko. Napako na lang ako sa realidad na magkadikit ang mga labi namin.

Nakabukas lang ang nga mata ko habang ginagawa niya yun. Nakatingin lang siya sa labi ko.

If you do not like me, then why are you doing this?

Don't you know that after this kiss, it will just worsen my nights?

Mas lalo lang akong mahihirapan na mag-move on. Baka kase meron pala..

His lips began to move. Lasing ako pero alam ko kung ano ang ginagawa niya.

Just this once, I want to savor this moment with him.

I shut my eyes and began to kiss him back.

And only God knows how long it is.

--tobecontinued---

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon