☆ 35: Clingy ☆

46 1 0
                                    

A: Advance sorry for the very late and slow update.
-Gorg☆

RED PoV

"Scarlet!"

"Oh?"

"Matagal ka pa ba dyan?"

Kairita. Kanina pa sya nasa kusina naghahanda ng baon niya daw. Ang kupad!

Pupuntahan ko na sana siya sa loob dahil malelate na kami nang magvibrate ang cellphone ko.

Tumatawag si Gray.

Pinindot ko yung answer button.

"Oh?"

Bungad ko.

"Red, nasaan ka na?"

"Nasa bahay pa. Bakit?"

"Isabay mo na si Scarlet. Hindi ko kase kayo madadaanan. Nauna na kami ni Blue."

Lumingon naman ako ulit sa kusina para silipin si Scarlet.

"Ganon ba? Sige isasabay ko na lang siya. Bakit nga pala kayo nauna?"

"May pinag-usapan lang."

Napaisip naman ako kung ano yung pinag-usapan nila. Mukhang mahalaga at confidential base sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Ngapala, may aaminin ako sa'yo."

Lumakas na naman yung kabog ng dibdib ko. Maya't maya rin ang lingon ko kase baka andito pala sa gilid si Scarlet. Baka mamaya nakikinig siya. Chismosa pa naman yun.

"Ano?"

Napahigpit ang kapit ko sa cellphone ko. Hindi kase ako handa sa magiging reaksyon ni Abo sa aaminin ko. Baka paulanan niya ako ng mura.

"Ngayon lang kase ako naging sigurado. Tama ka nga. Gusto ko si Scarlet. Alam ko ang gago pakinggan kase matagal akong naging indenial."

Hindi agad ako nakarinig ng sagot mula sa kanya maliban sa malalim na paghugot niya ng hininga sa kabilang linya.

Tanggap ko naman kung mumurahin niya ako.

"Kelan mo pa nakumpirma?"

"Kagabi lang. Nung kaming dalawa na lang."

Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong kanina pa nakakuyom ang kamao niya at gaya ko mahigpit rin ang hawak niya sa cellphone niya.

"Masarap ba sa pakiramdam?"

Kununot ang noo ko.

"Ang alin?"

Bakit? Alam ba niyang hinalikan at katabi ko matulog sa magdamag si Scarlet? Paano?

"Ang pag-amin. Masarap ba sa pakiramdam na finally nailabas mo na yang matagal mo ng itinatago?"

Napangiti ako. Yun pala ang ibig niyang sabihin. Akala ko naman kung ano na.

"Oo naman."

Bigla na namang tumahimik sa kabilang linya. Ayokong masaktan siya pero kailangan kong magpakatotoo. Lalo na ngayong handa na akong aminin kay Scarlet na gusto ko siya. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanya na liligawan ko siya.

"Gaano mo siya kagusto?"

Nabigla ako sa tanong niya.

"Gustong-gusto. Yung tipong hindi ko alam kung paano hihinga kapag nawala siya sa'kin. Gusto ko lagi lang siyang nasa tabi ko. Gusto ko lagi ko siyang napapangiti."

Hindi na naman siya umimik. Mga ilang segundo pa bago siya sumagot.

"Then good. Gusto ko lang sabihin na hindi ako titigil sa panliligaw sa kanya kahit pa alam kong ganyan mo siya kagusto. Hindi ako magpaparaya. And I want a fair competition, Red."

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon