☆ 8: Save me ☆

77 7 10
                                    

Jdjskdkk.

"Bye Dad!"

Hinalikan ko siya sa pisngi at saka lumabas na ako ng gate.

"Ingat!"

Sagot niya.

Tumango na lang ako.

Malapit na ako sa kanto nang mapansin kong walang white sportscar ang nakaparada.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Baka naman tinataguan ako?! Yari talaga yan sakin si Red kapag nalaman kong pinagtitripan na naman niya ako!

Maaga pa naman. 7:15 am pa lang.
Sinadya ko talagang agahan ngayon. Kaya rin siguro wala pa yung tatlo. Mauuna na lang ako.

Ngayon ang second day ng meeting about sa demerit.

Umaasa ako na hindi na lalala pa ito.

Sa susunod na bukas, debut ko na. Sabado yun. Sakto. Walang pasok.

Sana wala nang problema.

At wala ng problemang dadating.

Kagabi, dumaan ako sa bahay nila Red. Sabi ni Tita Marissa, Risa for short, mama ni Red, nasa kwarto daw sya kausap sila Gray at Blue. Dahil alam ko na hindi nila ako isasali sa usapan, pumunta na lang ako sa likod bahay nila. May bintana don at yun ang kwarto ni Red. Wala naman akong napansing kakaiba. Nagtatawanan nga sila e. Tapos pinag-uusapan nila yung Tagalog Parody ng Train to Busan. Yung Hentai.  Ewan ko ba bakit tawang-tawa sila.

Naglakad ako papunta sa University. Malamig pa naman, hindi pa masyadong sumisikat ang araw kaya hindi ako nagreklamo sa init.

Palapit na ako sa main gate nang may malakas na bumusina.

Bumukas yung bintana ng sasakyan na yun at nakita ko ang todo-ngising mukha ni BJ.

What now?

"Good Morning Classmate!"

Tapos nagsara din ulit yung bintana.

Napatingin ako sa langit at napa-krus ako ng wala sa huwisyo.

Ayos lang ba si BJ? Oh baka sinapian siya ng mabait na anghel?

Kung ano man yun, mabuti na rin na medyo mabait siya, kung 'mabait' yung tamang term.

Saktong quarter to 8 nang makatapak ako sa tapat ng fountain.

Nandoon na rin si BJ na nakaupo at minamasa-masahe ng mga alagad niya.

Nilapitan ako ni Ciana at Sharlene.

"Where's them?"

Nakakunot-noong tanong ni Ciana.

She reminds me so much of Gray. Kapag sila ang kausap ko, napapa-english ako!

Sasagutin ko pa lang sana siya nang sundan naman ako ni Sharlene ng tanong.

"Hindi ka ba nag-online kagabi??"

Kinakabahan niyang sabi sakin.

"Wait. Ciana, hindi ko alam. Hindi ko sila kasabay. Nauna ako."

Nilipat ko yung tingin ko kay Sharlene.

"Hindi, natulog ako ng maaga. Bakit Sharlene?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Chinat kase kita kagabi. Nasabi kase sakin ni Blue na," sinenyasan niya kami ni Ciana na lumapit sa kanya saka siya ulit bumulong. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda.

"hindi sila papasok ngayon dahil balak nilang hindi siputin si Congressman Cuenca."

Saglit na tumigil ang tibok ng puso ko.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon