☆ 9: Pride and Ego ☆

67 5 0
                                    

Binitawan niya ako ng wala man lang pasabi kaya naman aksidente kong nahalikan ang lupa. Hindi naman gaanong sumayad ang labi ko pero kahit na! Kilos lalaki ako pero maarte pa rin ako! Nakakadiri kaya!

Bwisit talaga ang kupal na yun!
Parang nalingat lang ako kase namesmerize ako sa mukha niya.

Aaminin ko na gumwapo siya sa paningin ko. Pero kanina lang! Hindi na ngayon!

Napaangat ako ng tingin sa may-ari ng kamay na nakalahad ngayon sa akin.

Kamay ni Gray.bInabot ko naman agad yun.

"Salamat."

"Ayos ka lang?"

"Oo. Ayos na ako. Salamat dumating kayo."

Tiningnan ko yung wriswatch ko. Saktong alas-otso na ng umaga.

"Ano bang pumasok sa kukote mo at nakipag-pustahan ka pa dito kay BJ?"

Naiiritang tanong ni Red.

"Malay ko bang plano niyo pa lang hindi pumasok. Nagdedesisyon kayong tatlo ng kayo-kayo lang. Magsabi rin kase kayo."

Siya pa yung may ganang sermonan ako. Napakakupal talaga.

"Wow! Imbes na mag-thank you ka parang naninisi ka pa. Hindi ka namin sekretarya para lahat ng gagawin namin ipapaalam namin sa'yo."
"Hindi naman sa ganon e!"

"Ganon yon!" Tinuro niya ang buong paligid. "Paano kung wala kami? Paano kung mas nahuli pa kami ng dating? Sabihin mo nga sa'kin, sinong tutulong sa'yo?"

Tiningnan ko si Blue at Gray.

Nakakahiya nga na naabala ko sila. Mga bagong gising at kakabangon lang ang itsura nila. Gulo-gulo yung buhok. Tapos gusot yung uniform nila.

Binalik ko yung tingin ko kay Red.

"Kaya ko naman ang sarili ko e."

"Kaya? Talaga lang ha?"

"Red, tama na. Wag mo ng pagalitan si Scarlet. Concern lang naman siya satin."

Suway ni Gray.

"Sinong nagsabing galit ako? Ang akin lang, sana hindi na siya nanghihimasok sa usapan natin."

Hinawakan ni Blue yung balikat ni Red. "Tama si Abo. Si BJ naman ang dahilan ng lahat ng 'to e. Magkakakampi tayo. Hindi dapat tayo nagtatalo."

Napayuko ako.

Lagi na lang bang mali ang mga ginagawa ko? Kaya nagagalit sa'kin si Red?

Nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang pagkakaroon ng maliit na sagutan si Gray at Red dahil sa'kin.

Nag-aalala lang naman ako e.

Napapitlag ako ng umalingawngaw ang malakas na tunog mula sa pito ng Disciplinarian Staff na si Sir Jordan.

Tumayo siya sa harapan namin. Siya ang boy version ni Ms. Minchin. Sobrang sungit!

"Oras ng klase bakit nasa labas pa rin kayo? Gusto niyo bang maparusahan?! Papasok kayo sa room niyo o magkakaroon kayo ng street activity?!"

Last year, nagfeeding program kami para sa mga street children. Parusa namin dahil muntik na kaming bumagsak sa Calculus na subject namin.

Inalalayan ako ni Gray na maglakad papunta sa room. Nanghihina pa kase ang mga tuhod ko.

Lumakad na rin si Blue kasabay si Sharlene. Nauna namang maglakad si Red kaya lakad-takbo siyang sinundan ni Ciana.

"Hindi pa tapos ang araw na'to Scarlet."

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon