☆ 29: Confession ☆

50 2 0
                                    

Halos maubos ko na yung tatlong beer na  pinareserve ni Gray para sa amin ni Red. Lasing na nga yata talaga ako.. Tinititigan ko lang siya habang may kausap siya sa cellphone. Hindi ko alam kung sino yun. Babae niya kaya? Lintek baka nambababae na siya..

"Sige po. Opo. Sa bahay na lang namin siya matutulog para mabantayan ko na rin. Lasing na lasing na po e. First time."

Napangiti ako sa narinig ko.
Iuuwi niya ako?

Tinungkod ko yung siko ko sa ibabaw ng mesa saka ko pinatong yung baba ko sa kamay ko.

Pinasok naman na niya yung cellphone niya sa bulsa niya.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya.
Bakit ganito? Bakit nagliliwanag yung mukha niya? Parang kumikinang. Blooming ba siya??

"Wag mo nga ako titigan."

Suway niya. Napanguso naman ako.

"Pake mo ba? Tsk."

Pati ba naman pagtitig bawal na? Hanggang tingin na nga lang hindi pa pwede. Hirap naman magkacrush!

"Tumayo ka na diyan. Uuwi na tayo."

Natawa ako sa narinig ko.

"Uuwi tayo? Saan? Sa bahay niyo?"

Kumunot yung noo niya kaya naman mas lalong lumapad yung ngiti ko.

"Oo. Tinawagan ako ng papa mo. Hindi daw siya makakauwi dahil may emergency operation."

"We? Gusto mo lang yata ako masolo e! Ikaw ha..."

"Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo iba ka rin kapag nakainom e! Tara na nga!"

Hindi pa man ako nakakapagsalita bigla na niya akong hinatak..

"Teka.."

Inis niya akong nilingon.

"Hindi pa tayo nagbabayad..."

Napabuntong-hininga naman siya.

"Lasing ka na talaga. Nagbayad na si Gray kanina."

Hinatak niya ulit ako.

Pero pumiglas ulit ako kaya naman binuhat niya ako ng pa-bridal style.

"Ibaba mo ako! Ano ba!"

"Wag ka ngang makulit! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!"

Napansin ko nga na ang daming mata sa paligid kaya naman tumahimik na lang ako.

Naiilang kase ako.
Ngayon lang kami nagkalapit ng ganto. Nakahawak pa ako sa leeg niya. Kung may ibang makakakita, baka isipin mag-nobyo kami. Pero hindi naman...

Tahimik lang siya habang naglalakad.

Nabalik ako sa huwisyo nang ibaba niya ako sa isang parke..

Para naman akong bata na tumakbo papunta sa fountain.

Ang ganda sobra..
Gumagalaw yung tubig tapos may kulay pa.. iba't iba kaya ang sarap tingnan..

Tapos may background song pa.
Pero minus one lang.

Nilingon ko si Red na nasa likuran ko. Nakaupo siya at tinititigan lang ako.

Lumapit ako sa kanya. Hinila ko yung kamay niya.

"Sayaw tayo! Ang ganda nung tugtog!"
Nakangiti kong alok sa kanya.

"Ikaw na lang.. nakakahiya. Maraming tao."

Sumimangot naman ako sa sinagot niya.

Sa dami-dami ng iooffer ko sa kanya, ito pa ang tinanggihan niya.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon