☆ 16: Gray's Plan ☆

58 5 0
                                    

Pagkatapos ng klase, umuwi na rin kaming apat at tumuloy kami sa bahay nila Red.

Nakatambay kaming tatlo dito sa kwarto niya.

Nakaupo ako sa sahig, nakadapa sa couch si Red, nakahiga sa kama si Gray tapos nasa study table si Blue. Zinozoom-out zoom-in niya yung kuha ng mga footprints.

Alam ko na,  na alam na ni Red yung deal namin ni BJ kaya masaya ako kase nagkabati na kami.

Na-appreciate ko na nag-sorry siya sa mga masasakit na salitang nasabi niya sakin. Pero bumalik na naman siya sa palagi niyang ginagawa. Tulad na lang ngayon.

"Scarlet, birthday mo ba talaga bukas?"

Umayos ako sa pagkakaupo ko.

"Kung ayaw mong maniwala, okay nga lang."

"Sus. Huwag ka umasa na babatiin kita ha. Baka lumaki ulo mo e!"

Nagtawanan naman yung dalawa.
Pinagtaasan ko sila ng kilay.

"Pero kung makatakbo ka naman kanina Red parang katapusan na ng mundo. Ang OA mo nga mag-alala kay Scarlet e!"

Kantiyaw ni Blue.

Binato siya ni Red ng unan.

Sabi na e. Hindi talaga ako matiis. Madalas masungit yang kupal na yan. Pero may puso naman yan kahit papaano. Alam ko naman na kahit sinigawan niya ako, tinatawag na tanga at sinabihang wala na  siyang pake sa akin, hindi niya ile-let go ng basta basta yung kung ano mang meron kami.

Napabalikwas sa paghiga si Gray.
Nagpalipat-lipat yung tingin niya saming dalawa ni Red.

"Talaga bang wala kayong itinatago sa amin?"

"Oo nga naman. Uso umamin."
Blue added.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Ano bang itatago namin?"

Ano nga bang itinatago namin?

Tumawa si Gray.

"Wala hahhaha. Nagjojoke lang ako. Nevermind it."

Tumango na lang ako.
Pagkatapos nun, tumahimik na naman. Awkward.

I looked at my wristwatch. Napasarap na naman ako ng pagtambay. Mag-seseven pm na.

Ako nga pala ang nakatoka sa hapunan.

Tumayo si Blue at binitbit yung bag niya.

"Uuwi na ako. Doon ko na lang gagawin sa bahay 'to."

Kinuha niya yung laptop ni Red na nasa ibabaw ng table.

"Dalhin ko na 'to. Sira yung akin e."

"Blue, akin na lang yung gamitin mo. Bulok yang kanya e."
Sabat ko.

"Hoy! Baka iyo yung bulok!"

Depensa niya.

Binelatan ko siya.

Pero bago pa magkapikunan, hinablot na ni Blue yung bag ko na nakasabit sa likuran ko kaya naman nasama ako.

"Uuwi na tayo. May pag-uusapan pa sila."

Tiningnan ko siya ng buong pagtataka.

"Anong pag-uusapan nila?"

"BOYS TALK."
Sabay na sagot ni Gray at Red sakin.

Grrrrr.
Bakit ba kase hindi ako naging lalaki?????? Kakainis naman!!!

Padabog akong sumunod kay Blue.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon