☆ 34: Realizations ☆

43 1 0
                                    

THIRD PERSON POV

IKA-pito na ng umaga ngunit hindi pa rin bumabangon sila Scarlet at Red. Ni hindi nga nila alam na para silang mag-asawa sa posisyon ng pagkakahiga nila.

Madaling araw nang malaglag si Scarlet sa higaan ni Red. Ang likot niya kase matulog. Hindi siya tulad ng ibang babae na isa lang ang posisyon kapag natutulog.

Dahil kapwa antok na antok, hindi nila napansin na buong magdamag silang magkatabi. Sobrang himbing ng tulog nila.

Ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana ang nagpagising kay Red. Agad na nanlaki ang mga mata nito nang makita niya si Scarlet sa tabi niya na humihilik pa.

Agad siyang napalingon sa wall clock. May klase sila. Isang oras na lang ang natitira para mag-asikaso. Tatayo na sana siya kaso napansin niya na nakapatong ang ulo ng kababata niya sa kaliwa niyang braso. Aba't ginawa pa talaga siya nitong unan!

Napadako rin yung mata niya sa ibaba niya. Nakapatong rin dun yung isang kamay ni Scarlet. Natatawa siya. Sinisimplehan yata siya ng babae na'to. Nag-alala tuloy siya kung pinlano talaga nito ang mga nangyayari simula pa kagabi.

Bumalik ang atensyon niya sa mukha nito. Ngayon lang niya ulit ito natitigan ng ganun kalapit. Magmula kase nang maging tineydyer na sila, hindi na sila gaanong close. Tapos na sila sa mga ganon. Iba na ngayon. Malalaki na sila. May isip.

May kung anong nag-uutos sa kanya na hawakan ang pisngi nito. Ngayon lang niya nakitang nakalugay ang buhok ni Scarlet. At inaamin niyang mas bagay rito ang hindi nakapusod. Inilagay niya sa gilid ng tainga nito ang ilang hibla ng buhok nito upang mas maappreciate niya ang magandang view. Oo. Nagagandahan siya rito. Pinadulas niya ang likod ng palad niya sa kaliwa nitong pisngi. Makinis at namumula ito. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon ginagawa.

Tapos pinadaan niya rin yung hinlalaki niya sa mapula nitong labi. Inis na inis siya rito dahil lagi na lang itong nakasigaw. Parang tanga!

Tiningnan niya rin yung ilong nito. Ang totoo, hindi naman talaga ito nakadapa. Hindi katangusan pero hindi rin pango. Bumagay ang hugis ng ilong sa mukha nito.

Ngayon niya lang nasaksihan ang taglay nitong kagandahan. Bigla ay nakadama siya ng hindi maipaliwanag na sensasyon. Napangiti siya nang maalalang siya ang first at second kiss nito. Si Scarlet pa lang din naman ang nahahalikan niya sa buong buhay niya. Habang unti-unti siyang lumalapit sa mukha nito ay mas lalong lumalakas yung naririnig niyang kalabog na nanggagaling sa dibdib niya.

Ano bang ibig-sabihin nito? Nagkakagusto na nga ba talaga ako sa kanya?

Tanong niya sa sarili. Nalilito siya sa lakas at bilis ng tibok ng puso niya. Bago lang ito para sa kanya.

Habang si Scarlet ay walang malay sa nangyayari, ipinagpatuloy niya ang paglapit dito. Una niyang hinalikan ang kaliwa nitong pisngi. Mabilis lang iyon at magaan.

Hindi naman ito gumalaw kaya hinalikan niya ang kanan naman nitong pisngi. Hinihintay niya na magising ito at mapansin siya sa ginagawa niya pero wala naman. Ganun pa rin, mahimbing na natutulog. Napangiti siya sa naiisip niya. Sunod niyang hinalikan ang noo dito. Medyo matagal at may diin ngunit hindi pa rin ito nagigising.

Bumaba siya konti para magpantay ang mga mukha nila. Alam niyang mali ang gagawin niya ngunit ito ang inuutos ng puso niya. At wala siyang nararamdamang pagtutol mula sa utak niya tungkol sa bagay na ito.

Basta, gusto niya itong halikan. He had a feeling that this will help him to point out what he really feels for her.

He shut his eyes and kissed her. Naramdaman niya ulit yung kakaibang feeling na naramdaman niya kagabi habang hinahalikan niya ito.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon