☆ 12: Cry ☆

85 5 0
                                    


Minsan lang kami magsama-sama kaya naman nakakatuwa na kumpleto kami.

Sabi nga ni Gray feeling daw niya buo ang pagkatao niya kapag kasama niya kami. Sa amin niya lang kase nararamdaman ang tunay na pamilya. Mayaman si Gray. Tagapag-mana ng maraming pawnshops ng Thompson Conglomerates, pero kahit maraming pera, hindi niya makuha ang totoong kasiyahan. Sa laki ng bahay nila, na palasyo na ata kase parang mala-white house, siya lang lagi ang laman nun kasama ang isang dosena nilang security guards, housemaids at mga iba pang kasambahay gaya ng hardinero. Kumbaga prinsipe talaga ang dating niya sa mga mata ko. Bukod pa sa lagi niya akong pinagtatanggol sa twing inaasar o inaaway ako ni Red.

Solong anak din siya. Dahil paano nga naman siya magkakaroon ng kapatid kung laging nasa kanya-kanyang business trips ang mga magulang niya.

Kaya mula nung makilala niya kami, naging kapatid na ang turing niya sa amin. Tutal pare-parehas kaming apat na walang kapatid, kami-kami na lang.

Sinundan ko si Red sa banyo.
Matapos siyang humingi ng sorry kay Tita Risa, dumiretso siya dito. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko na umiiyak siya. Emosyonal talaga siya pagdating sa mama niya. At yun ang isa sa mga dahilan kung bakit hinahangaan ko siya. Sabi kase, kung ano ang trato ng lalaki sa nanay niya, yun din ang magiging trato niya sa mapapangasawa niya.

Nagulat ako nung bumukas bigla yung pinto. Nagkunwari ako na naiihi na ako kaya nandun ako.

Mabilis niyang pinunasan ang mukha niya gamit ang uniform niya. Sus. Itatago niya pa sa akin yung mga luha niya. Eh halata pa rin naman kase namumula yung mga mata niya.

"Umiyak ka ba?"

Tanong ko sa kanya.

Mabilis pa sa kidlat ang pagdepensa niya.

"Hindi ah!"

Pinigilan kong wag matawa.

Halatang-halata na nga hindi pa umaamin.

Tumingkayad ako para titigan yung mukha niya. Matangkad nga kase sya sakin kaya ako pa ang nag-eeffort maabot lang siya.

"Sowss! Ba't namumula yang mga mata mo?"

Balak ko talaga siyang asarin hanggang sa mapikon siya. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niyang pagbagsak sakin. Kupal siya.

Hinawi niya ako tapos saka niya binato sa akin yung kurbata niya.

"Umihi ka na nga lang diyan. Dami mong alam."

Sa mukha ko pa talaga tumama. Grrrr!!

Sinundan ko siya pabalik sa tinatambayan nila ni Blue at Gray.

Nauna nang umuwi si Dad pagkatapos niyang sabihin sa amin na magreretire na siya after ng birthday celebration ko.

Nanghinayang ako ng konti pero ayos na din kase ayokong magkaroon pa ng mga engkwentro si Dad. Mahirap na. Siya na lang ang meron ako.

Wala pa namang alas-otso kaya pwede pa akong lumabas. 8 pm kase ang curfew ko.

Sila Tita Rea at Tita Risa naman ay umuwi na rin.

Naabutan namin sila Blue at Gray na kumakain ng ice cream. Nasa plaa kami ng West Side Street. Malapit lang sa bahay naming apat.

"Oh. Andyan na pala kayo."

Komento ni Blue na sarap na sarap sa pagkain ng cornetto.

Tiningnan naman kami ni Gray.

"Asan na yung akin?"

Tanong ni Red.

"Natunaw na. Bili ka na lang."
Sagoy ni Gray.

"Oo nga. Kayong dalawa ni Scarlet ang bumili. Kayo kakain e."

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon