"Happy Birthday anak!"
Mangiyak-ngiyak na bati ni Dad. Kakalabas ko lang ng kwarto ko. Kakatapos ko lang mag-asikaso.
Today is Saturday. May pasok sa school pero halfday lang.
And of course, today is MY DAY!!!!
Umupo ako sa tapat ni Dad.
Kumikislap ang mata ko sa malaking box na nasa ibabaw ng mesa. Tiningnan ko siya.
"Dad? Pwede ko na bang buksan?"
Na-e-excite ako.
May nakalagay pa na isang pulang rosas sa ibabaw.
Nginitian niya ako.
"Oo naman. Para sa'yo yan."
Kinuha ko yung box at saka ko tinanggal yung balat. Habang binubuksan ko, hindi ko maiwasang maging emosyonal.
Simula nung magka-isip ako, never akong nag-celebrate ng birthday ko ng bongga. Yung may mga party, yung mga ganon. I used to celebrate my day in our house, simpleng bati ni Dad and regalo. Ganon lang. Tapos kapag sa pagkain, magpapadeliver lang kami ng spaghetti or pizza.
Napatitig ako sa laman ng box.
Tapos nilipat ko yung tingin ko kay Dad.Umalis ako sa kinauupuan ko at mahigpit ko siyang niyakap.
Pinigilan kong huwag akong tuluyang maiyak. But I'm still his babygirl, crying....
Tinapik-tapik niya yung likod ko.
"Pasensya na kung sa loob ng labing-walong taon, wala kang nakagisnang mama."
Panimula niya.
"Pero masaya ka naman kahit tayo lang di ba?"
Tumango ako. Hindi ko gustong magsalita kase ayokong humagulgol ako sa kanya.
Nakakahiya kay Detective.
Lagi ko pa namang ini-insist na
matanda na ako kaya dapat hindi niya na ako itinuturing na bata. But eto ako. Parang bata na iniiyakan yung simpleng birthday presentation ng daddy ko."Daddy will always be here for you kahit pa iwan ka ng lahat. I love you Scarlet."
I wiped my tears.
Inangat ko yung tingin ko.
"I love you too Dad."
I kissed him on his left cheek.
"Hindi ko po pinagsisihan na ikaw ang naging tatay ko. You are the best Daddy in the universe!"
We both let out a laugh."Hindi ko rin pinagsisihan na ikaw ang binigay sakin ng Diyos. You're my priceless treasure."
Pinagtama namin yung mga ilong namin.
Parehas kaming napatingin sa gate nang may marinig kaming busina.
"Andyan na yata si Gray."
Sabi niya.Lumabas ako ng pinto para buksan yung gate.
Tumambad sa akin si Gray.
"Happy Birthday Scarlet!"
Masaya niyang bati.
"Thank you!"
Nakangiti kong sagot.
Saglit niya akong pinakatitigan.Biglang nagbago yung facial expression. From happy, naging concern bigla.
"Umiyak ka ba?"
Natawa ako.
"Ah. Oo. Nagdramahan kase kami ni Dad."
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...