BUMALIK ako sa klase na hinang-hina at walang gana. Hindi pa pala lusot ang tatlo.
"Scarlet?"
Tawag ni Sharlene.
"Oh?"
"Ayos ka lang?"
Mas lalong bumigat yung pakiramdam ko sa tanong niya. Tingin ko nga magkakasakit ako.
"Hindi. Mag-uusap pa daw uli bukas. Kasama na si Congressman Cuenca."
Pagkasabi ko nun, napabuntong-hininga siya.
"Iba ang ugali nun. Kaya nga abnormal si BJ eh. Sa kanya nagmana."
Tukoy niya kay Congressman Rod Cuenca. Nalaman ko na habang sinusuri nila Gray yung pekeng baril, tinawagan ni Sherwin ang Daddy ni damulag. Alam niya kase na pagtutulungan namin ang amo niya kaya humingi siya ng tulong. Pero wala naman kaming balak na saktan si damulag. Kung sasaktan niya kami, saka lang naman kami gaganti. Pero praning masyado ang dad niya. Nagpatawag ng media para daw may ebidensya kapag dinulog niya sa School's Principal. Parang tanga talaga! Hindi daw dapat nilalatayan ni pinakamaliit na kuko ng damulag niyang anak. Kaya para maturuan kami ng leksyon, papatalsikin niya kami sa univ. Pero dahil kilalang beterano ang daddy ko na Detective, hindi niya ako madamay. Si Gray, kayang-kaya naman niyang mag-transfer sa ibang school, sobrang yaman kaya niya. Si Blue naman, hindi pwedeng ma-demerit dahil kapag nangyari yun, hindi siya makakagraduate sa Star University. Eh meron silang deal ng mama niya na papayagan lang siyang kumuha ng Culinary course kung gagraduate siya sa Star Univ. At si Red naman, kapag nademerit siya, malaki ang chance na hindi na siya makapagtapos ng highschool dahil sa dalawang rason. Una, mahal ang tuition fee sa ibang univ, hassle, isang buwan na lang graduation na. The second reason is, paniguradong walang tatanggap sa kanya dahil imposibleng hindi gamitin ni kongresman ang koneksyon niya, malamang sisiraan niya si Red. Kaya mahalagang hindi sila mademerit.
Pinatong ko na lang yung mukha ko sa braso ko na nakapatong sa desk. Sana hindi na pumasok yung prof namin sa Filipino. Hindi pa talaga handa ang utak ko. Masyado ng occupied kakaisip sa pesteng demerit na yun. 10 am palang. Pero pagod na ang buo kong sistema. After ng Filipino Class, lunch break. May two subjects pa. Math and Science. 4 major subjects lang naman ang pinag-aaralan namin. Gusto ko na sanang umuwi kaso binilinan ako ni Dad kanina bago siya umalis na wag daw ako uuwi hanggat di pa tapos ang klase. Eeeeeeeh :"(
Buti pa yung tatlo pinayagang umuwi na para maghanda bukas. Gusto ko ring tumambay kasama sila. Kahit naman di ako mag-aral, secured na ang future ko. May pera na ako sa bangko.Tulad ko, wala ring nakagisnang mama si BJ. Kaya nga pilit kong iniintindi kung tinotopak siya minsan. Pero kase masyado na niya akong sinasagad.
Tatlong araw na lang birthday ko na. February 8 ngayon. Debut ko na. .
Hindi ko hinihiling ang malaking party. Wala akong hilig sa mga sayawan or whatsoever. Sa ngayon, ang wish ko, is sana maayos na ang lahat. I can't imagine na dahil lang sa pagbebenta ng software kahapon, nangyayari ang lahat ng 'to. Totoo ngang sa isang maliit na bagay nagsisimula ang malaking pagbabago na hindi mo inaasahan.
Napatingin ako sa pinto nung muli yung magbukas. Si BJ na bitbit ang malapad na ngiti sa mukha niya.
Eh kung punitin ko kaya yung labi niya para hindi na siya makangiti?!
Inisnob ko lang siya at bumalik ako sa kanina kong puwesto. Sinabihan ko si Sharlene na kung may papasok mang prof namin, sabihin na lang niya na masama ang pakiramdam ko. Nasa tabi ko lang naman siya.
Medyo bumibigat na ang talukap ng mga mata ko, mukang inaantok na talaga ako.
Nung lunchbreak na, ginising ako ni Sharlene at Ciana. Sakto dahil nakaramdam na din ako ng gutom.
Nasalubong namin sila BJ sa canteen.
"Ahluukà."
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa burgeran. At hinanap ng tenga ko kung sino man ang nagsabi nun. Di ko na kase mabosesan gutom na talaga ako.
AHLUUKÀ.
Matandang nakagawian yan sa University namin. Part ng PE Class dati pero tinanggal na ngayon kase hindi patas ang labanan.
Tinatawag yung AHLUUBÀ dati pero ngayon AHLUUKÀ na.
Sa ahluubà, kung sino ang taya, tatakbo siya sa buong field. Super lawak pa naman ng field dito! And may twists pa yun. Halimbawa, tatakbuhin mo yun ng naka-bikini or boxer. Mga ganung conditions.
Sa ahluukà, bubuhatin ang taya at ikukulong sa hunted building na nasa pinakalikod na part nitong campus. Depende sa panalo kung ilang oras doon tatambay yung taya.
"Ako yun Scarlet."
Sabi ni BJ. Umalis sya sa pwesto niya at nilapitan ako. Nakiusyoso na naman yung iba naming schoolmates na lower level maging yung mga kabatch namin.
Siningkitan ko yung mata ko.
"Hinahamon kita. Bukas, kapag nalate sila Red, Gray at Blue, ipapa-ahluukà kita. Pero kung hindi sila malelate, ako ang taya. Deal?"
Sunod-sunod niyang pahayag.
Nag-isip ako. Wala namang rason para malate or magpalate ang tatlo bukas. Maliban na lang kung may iba pa silang pinag-usapan sa loob ng Principal's room na hindi ko alam. Naman kase e! Gustong-gusto ko na talaga umuwi! Pero wala ng atrasan 'to.
"Deal."
Buong-loob kong sagot. Hindi ako natatakot.
*ayyy grabiteeeeey! Ang tapang talaga ni Scarlet!!***
Hiyaw ng iba.Niyugyog ni Sharlene yung kaliwa kong braso.
"Paano kung matalo ka?"
Nag-aalala niyang tanong.
Nginitian ko siya.
"Edi talo."
Eh ano kung matalo? Atleast sumugal ako. Atleast nagtry ako kesa sumuko agad. Sabi nga sa lyrics ng kanta ng The Script na Hall of Fame, you'll never gonna know, if you never even try.
Isa pa, tiwala ako na kung ano man ang usapan bukas, hindi ako ipapahamak ng tatlo. Hindi ugali ng 3+1 ang mang-iwan sa ere.
"Pero kapag nanalo si Scarlet, tigilan mo na ang demerit kung ayaw mong ikaw ang paalisin ko sa University na 'to."
Matapang na sabat ni Ciana. That's my girl. Magkakasundo kami pag ganyan siya.
Natameme ng konti si damulag. Nadurog na naman ng crush niya ang puso niyang matagal ng sawi.
"Kung mananalo siya!"
Inis niyang sagot saka bumalik sa pagkain niya. Kaya siya tumataba e. Lol
Pinagpatuloy na lang namin ang pagbili ng makakain at saka bumalik sa room.
Humanda ka BJ. Kapag ako ang nanalo yari ka sakin.
---tobecontinued---
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Novela Juvenil"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...