☆ 6: Road to Demerit ☆

92 7 5
                                    

"What's happening here class?"

Napatingin kami sa pintuan.
Andyan na si Ms. Lyn Hilario. Yung professor namin sa English. As usual, naka-make up na naman siya with matching high heels at nakadress. Siya lang ang nag-iisang faculty member sa Star University na hindi sumusunod sa proper uniform policy. Ewan ko ba dyan kung anong pinaglalaban niya.

"Anyway, pinapapunta sa Principal's office kayo Mr. Cuenca, Mr. Thompson, Mr. Montero and Mr. David."

Si BJ, Gray, Blue and Red.

"Yan na! For sure about sa demerit yan."

Sabi ni Sherwin.

Inirapan ko siya.

"Ahm, Ma'am, hindi po ba ako kasama?"

sabat ko.

"No, you're not."
Nakakunot-noo niyang sagot.

Psssssssh!

Tumingin naman siya sa'ming lahat. "We'll be resuming our class today. So, go back to your proper place and we'll start in a few minutes."

Sabay-sabay namang umalis yung tatlo. Kasama nila si BJ.

Halos bumagsak ang balikat ko. Involve naman ako ah?! Bakit hindi ako kasama? Baka mamaya may pag-usapan na hindi ko alam. Edi nalintikan na?!

Hinarangan ko muna sila.

"Don't worry Scarlet. Kaya namin 'to."

Pagbibigay assurance ni Gray.

"Sus. Nag-aalala ka? Mag-aral ka na lang diyan tibo."

Ang tigas talaga ng puso.

"I promised, hindi ka pababayaan ni Dad, Red." -Ciana

Kinindatan siya ni Red bilang sagot.

Bakit pagdating sa'kin di naman siya ganyan? Nakakainis na ha!!

"Mauna ka ng lumabas BJ."

Hamon niya.

Tanga ba siya? Bakit ang angas angas niya? Baka mas lalo silang madiin dahil sa asta niya e.

"Ayoko nga! Baka mamaya patirin mo ako e."

"Hahahhahahahahaha!" Sinuntok niya ng mahina yung dibdib ni BJ, "galing mo talaga!"

Saka na siya humakbang palabas. Nakalagay pa sa magkabila niyang bulsa ang dalawa niyang kamay. Petiks ang kupal.

Inaya na ako ni Sharlene na umupo na pero nginusuan ko siya na mauna na siya.

Nilapitan ko si Ma'am.

Nakaharap na siya sa board at nagsisimula na namang magsulat hanggang sa maubos ang oras niya samin. Ganyan ang strategy niya e. Tipong hindi naman nagtuturo. Papasok lang para pakopyahin kami ng lecture galing sa libro niya tapos yun na yun. Self-study na lang. Nakakabadtrip, sana di na lang siya pumasok diba? Sayang lang pinapasahod sa mga ganyang klaseng guro.

"Ma'am?"

"Yes?"

"May I go out Maam? I think, I need to go to bathroom. You know... "

Hinimas ko yung tiyan ko para talaga effective.
Hindi naman masama ang timpla ng tiyan ko. Alibi ko lang para makasunod ako sa Principal's office. Hindi naman ako manggugulo e. Gusto ko lang talaga alamin kung ano yung pinag-usapan nila.

"Ms. Hilario sorry to interrupt but I think, she's just making lame excuse because she wanted to go to Principal's office." Sabat na naman ni Sherwin.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon