☆ 28: Drunk ☆

44 2 0
                                    

"Cheers!!"

Malakas na sigaw naming anim habang masayang iniinom yung beer.

Grabe! First time ko pa lang makatikim ng alak since kaka-eighteen ko pa lang naman. Feeling ko nag-iinit na agad yung pisngi ko. Tinatablan na ba agad ako? Ambilis naman!

"Seryoso, buti andyan ka Abo."

Lahat kami napatingin kay Red.

Magkatabi sila ni Gray. Paikot yung mesa namin. Syempre magkatabi si Blue at Sharlene. Lovebirds naman yang dalawa na yan e. Mas naging showy. Tapos kami naman ni Ciana ang magkatabi. Nagtataka nga lang ako bakit hindi siya tumabi kay Red e. Pero ayos na rin. Andito kame sa open-area na beerhouse sa West Side. Kwek-kwek talaga dapat ang nilalantakan namin. Kaso wala kaming nakitang nagtitinda kaya dito kami dinala ni Gray.

Nilapag ni Gray yung baso niya na halos nangalahati na agad ang laman. Kelan pa siya naging lasenggero? Bakit hindi ko alam?

Tipid nyang nginitian si Red.

"Ano ka ba? Okay lang yun."

Red nodded at him.

Sumingit naman si Ciana.

"May puso ka rin pala MISTER PRINCE? Nice one!"

Talagang inemphasize niya pa yung Mister prince. Kelan ba matatapos ang asaran nilang dalawa?

"Oo naman MISS PRINCESS. Ako pa ba?"

Nakangising sagot naman ni Gray. With just a blink, sa kanila na ang sentro ng usapan.

Nagsisimula na naman sila sa inglisan nila.

"You must have look at your mini- mirror. I think you are blushing because of my words."

Natatawang sabi ni Gray saka uminom ulit ng beer.  Kinuha niya yung Nova na kinakain ni Red at sunud-sunod na isinubo sa bunganga niya yung laman.
Napailing na lang si Red.

At para namang biglang napagtanto ni Blue na kasama pa nila kami kaya nakisali sya sa asaran ng dalawa.

"Oo nga noh?! Namumula si Ciana! Hala hahhahaha!!!"

Sabi niya na sinang-ayunan naman ni Sharlene. Parehas naman kaming napatingin ni Red sa mukha niya.

"No! Of course not! Epekto yan ng alak! Assuming ka rin e!"

Sabi niya sabay irap.

Halatang naiinis na siya. Nakasalubong na kase yung kilay niya.

"C'mon. Wag kang mag-alala. Alam ko namang gusto mo si Red. Offlimits na kase ako. My heart belongs to someone else."

Talagang damang-dama niya ang bawat sinasabi niya kase humawak pa sya sa puso niya nung mabanggit niya yung heart. Lately parang nakakahiligan na ni Gray na asarin si Ciana. Nahahawaan na ba siya ng masamang ugali ni Red?

"And that someone else is...."

Tiningnan niya ako.

Potek na yan. Nananahimik na nga ako e.

"Unless iadmit na ng isa dito na kakumpetensya ko rin sya? Ha? Right, Red?"

Siniko niya si Red na tahimik din na nakikinig lang sa usapan gaya ko.

Nagtawanan na naman sila sa reaksyon ni Red.

It was so spectacular.

"Paano ko naman magugustuhan yan? Nakikita mo ba kung gaano ka-barako yan sa atin? Ano ka ba Gray.."

Halos mabuga ko na yung alak sa sinabi niya.

"Hoy! Kapal mo! Babae pa rin ako!"
Depensa ko naman. Tss

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon