☆ 38: Shot ☆

62 2 0
                                    

Kahit hirap na hirap ako sa mga nalaman ko mula sa lalaking itinuturing kong ama sa loob ng labing-walong taon, nagawa ko pa ring maalala yung mga itinuro niya sa akin dati kapag nasa scenario ka ng panghohostage.

Kinagat ko yung kamay ng sinasabing tunay kong ama. Hindi ko matatanggap na siya ang tunay kong papa.

Ayokong isipin.

Tumakbo ako palapit kay Dad. Gusto kong bawiin niya lahat ng pinagsasabi niya kanina. Hindi yun totoo.

Habang palapit ako sa kanya, nakita kong tumakbo papalapit sa akin si Red.

Gusto kong ikulong niya ako sa mga bisig niya. Alam kong dadamayan niya ako sa mga oras na ito.

Nung maramdaman ko na yung pagdikit ng balat niya sa balat ko,  nakarinig ako ng malakas na sigaw. Boses yun nila Blue at Gray.

Lilingon sana ako pero naramdaman kong niyakap ako ni Red ng sobrang higpit.

At kasabay nun ay ang muling pagputok ng mga baril. Sunud-sunod.

Malapit na talaga akong matrauma sa tunog ng putok ng baril.

Natumba kami ni Red sa sahig. Napailalim siya  kaya nakapatong ako sa kanya. Nakita ko naman ang sunud-sunod na pagtumba ng mga upuan na magkakapatong sa gilid namin. Parang domino na babagsak sa amin. Kaya naman ginamit ko ang likod ko para masalag yun. Ako naman ang poprotekta kay Red.

Hinayaan kong mabagsakan ako ng mga upuan na kahoy. Ramdam na ramdam ko ang hapdi at sakit na dulot nun sa likod ko. Na para bang madudurog ang mga buto ko.

Napapikit ako nang bumagsak ang huling upuan sa ulunan ko.

Naramdaman kong nilapitan kami nila Gray at Dad. Pero hindi ko magawang tumayo at umalis sa pwesto ko.

Napaungol marahil sa sakit ng katawan si Red. Naalala ko, nung sinalo niya ako nung araw na ia-ahluúka ako, sinabi niya na ang bigat ko. Kaya baka nabibigatan siya..

Mamaya, kapag nakabawi na kami sa mga pangyayari, sigurado akong aasarin ako neto.

"Damn!"
Mura ni Gray. Tinulungan  niya akong makatayo. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Tinanggal naman ni Blue ang mga upuan at itinabi iyon.

"Anak.."

Hinawakan naman ako ni Dad sa braso ko. At hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang.

Nalipat ang atensyon ko nang marinig ko ang mahinang pagtawag ni Red sa pangalan ko.

"S-scarlet..."

May nakaguhit na ngiti sa labi niya. Lumapit ako sa kanya at muli ko siyang niyakap.

Hindi naman niya ako binigo dahil niyakap niya ako pabalik. Para bang sa isang saglit, bumalik sa normal ang buhay naming lahat.
Hindi ko na naririnig ang mga taong nagkakagulo sa aming paligid.

"Scarlet. Gusto kong makita ang reaksyon mo kapag sinabi kong m-mah--"

Natigilan siya sa pagsasalita at napaungol.

"Ahhhhh shit!"

Nakaramdaman ako ng kakaiba sa likod niya. 

Tiningnan ko yung isa kong kamay na nakayakap sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang buo kong sistema ng makakita ako ng dugo sa palad ko.

Dugo.

"Anong nangyayari??!"

Natatarantang tanong ni Dad.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyayari.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon