"Kayong dalawa--"
"HINDI KAMI!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Red sa isa't isa kase parehas kami ng reaksyon.
Kumunot ang noo ni Gray samantalang tiningnan naman kami ni Blue ng mapaghinala.
"What?"
Pumeke ako ng ngiti.
Umalis ako sa tabi ni Red.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gray.
"I got it."
Makahulugan niya pang sabi.
Tinitigan niya ako."I mean.....kayo na lang ni Red ang kulang.. we need to fascilitate others. Yung sa pagkuha ng footprints nila."
Pinikit ko ng madiin yung mata ko.
Takte! Kinabahan ako dun ah! Akala ko alam niya na kami ni Red yung dahilan kung bakit hindi natuloy yung sasabihin niya kanina sa auditorium.
Hinawakan niya yung kamay ko. Tapos saka niya ako dahan-dahang hinila.
"Tara na."
Nilingon ko sila Red at Blue na naiwan sa likuran namin.
-
PAGKARATING namin sa labas ng admin office (doon kase nakapuwesto yung gagawin naming pagkuha ng sukat ng paa ng mga schoolmates namin), halos mangamba ako sa haba ng pila! Hindi kaya mamulubi si Gray? Ang dami niyang bibilhan ng school shoes.
Inalalayan ako ni Gray na makaupo. Tsk. Masyado niya naman akong ginagawang babae eh.
Tumabi na rin siya sa'kin. Nakakailang pala talaga. Nalulungkot ako kase ako pa yung nagustuhan niya. Dapat hindi na lang ako, masasaktan lang siya. But how can I teach him? Sabi, hindi mo matuturuan ang isang tao kung sino ang magugustuhan siya. Kase kahit ang tao wala ring kontrol pagdating sa pag-ibig, puso ang nagpapasiya.
Nakakaguilty. Pero hindi talaga puwede. Kapatid lang ang turing ko kay Gray. Hindi na yun hihigit pa doon.
Dumating na rin sila Blue. Nagsimula na yung operasyon namin.
Nasa kalagitnaan na kami nung biglang nagdrama na naman si BJ.
"Hindi ako nagsusuot ng sapatos na hindi mamahalin ha? Ayusin niyo lang."
Nginitian ko siya.
"Huwag mong kakalimutan na MAS mayaman pa si Gray sa lahi mo."
Sa sinabi ko, binigyan naman ako ni Gray ng matamis na ngiti.
"Oh? Pero hindi ba nakakapagtaka? Pa-graduate na tayo, mahigit isang buwan na lang, tapos ngayon niyo pa naisipang mag-bigay ng school shoes?"
Napatikom ang bibig ko. May punto nga siya.
"Magpasalamat ka na lang. Huwag masyadong madrama. Layas."
Sabat ni Red.
Nagtitigan pa sila ni BJ. Sumuko rin sa huli si damulag.
Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Scarlet? San ka pupunta?"
Tanong naman ni Blue.
"Si Red na lang yung uupo. Ako na lang yung kukuha ng mga footprints.Nakakatamad kase magsulat ng pangalan nila."
"Baliktad ata? Lalaki ang uupo tapos babae ang nakatayo?"
Katwiran niya pa.
"Let her do what she wants to do, Blue."
Hindi naman na sumagot si Blue sa sinabi ni Gray.
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Teen Fiction"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...