☆ 32: Acceptance ☆

34 1 0
                                    

"Wala kang kwenta.. tanga ka. Taga-bundok...

Kahit lasing  na ay nagagagawa pa rin ni Scarlet na magsalita ng kung ano-ano tungkol kay Red.

He piggybacked her.

Pauwi na sila...

It's not the first time na binuhat niya si Scarlet but it is the first time na hindi siya nakaramdam ng pagod. And suddenly all he wanted to do was to stay on that position for the rest of his life...

-

SCARLET

NAPABALIKWAS ako sa pagkakahiga nang mapagtanto kong hindi ito ang kwarto ko.

Para namang binibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit. Shit. Hangover na ba 'to?

Pinilit kong buhatin ang sarili ko patayo. Asan ba yung cr??

Pagkabukas ko, nakita ko agad na naliligo si Red!

Oh my God!

Sinara ko agad yun at napahawak ako sa dibdib ko! Eto na naman ako. Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko  na kulang na lang e kumawala na...

Ibig sabihin, andito ako sa bahay nila? Specifically, sa kwarto niya?!

Napasapo ako sa noo ko.

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto at lumabas si Red na nakatapis lang ng towel ang ibabang parte ng katawan niya. Holy shit! Nakikita ko pa yung mga butil ng tubig na unti-unti bumababa sa....

"Hoy!"

Sigaw niya kaya naman para akong tanga na nabalik sa katinuan!

"Anong ginagawa mo diyan?! Sinisilipan mo ba ako?!"

Paratang niya.
Napairap naman ako nang takpan niya gamit ng kamay niya yung nipples niya.

"Anong tingin mo sa'kin? Pagnanasaan ka? Ni wala ka ngang abs e!"

Oo. Wala siyang abs. Dalawa lang. Nagtatago yung apat. Nahiya ata. De seryoso, flat lang  yung tiyan niya. Hindi naman kase to nagji-gym e. Pero ayos na rin. Binawi naman sa biceps e! Hahaha!

"Sus! Umamin ka na! Nanininilip ka e!"

"Hindi kaya!"

I lied.

Oo na. May nakita ako pero hindi yung ano.

Pwet lang.

Mukhang ayaw niyang maniwala.

"Gusto mo sabayan pa kita na maligo e!"

Hamon ko.

At mukhang napasubo ako dahil pumayag siya.

"Sige nga! Lagi naman tayong sabay dati nung mga bata pa tayo diba? Tara!"

Saka niya ako hinihila papasok sa cr. Umakting naman ako na itinataas ang tshirt na suot ko, damit ata ni Tita Rea niya 'to.  Jusko, sino nagsuot nito sa akin by the way?

Kakahila niya sa akin at kakapiglas ko, natumba kame sa couch na malapit sa amin. 

Nasa ibabaw ko siya. Hindi ko magawang kumilos. I was too stuck on his stares to make a small move. Ano bang nangyayari sa akin?

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto at iniluwa nun sila Tita Risa at Tita Rea. My God. Yung position namin ni Red!

Hindi agad kami nakaalis at para namang nanigas kami, hindi makagalaw..

Napatakip sa mata yung mama ni Red samantalang si Tita Rea naman ay parang tuwang-tuwa pa sa nakikita niya. No, tuwang-tuwa na talaga.

Seryoso?!

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon