Blue's PoV
Nung makita kong nakakuyom yung kamao ni Gray, medyo kinakabahan na talaga ako. Hindi ko kase gustong makitang nag-aaway sila.
Nahigit ko ang hininga ko nang makita kong binagsakan lang ng kamao ni Gray yung kaliwang dibdib netong si Red.
Ayoko kase talagang nakikikitang nagkakagulo sila dahil lang magkaribal sila kay Scarlet. Ayokong makitang nagkakaroon ng lamat yung pagkakaibigan namin dahil lang sa pag-ibig. Hindi naman ako against sa pagkagusto nila sa iisang babae. Mahirap lang talaga at baka dumating ang panahong kailangan kong mamili ng papanigan. Hindi ko gustong pumili ng kakampihan lalo na't parehas na utol ang turing ko sa kanilang dalawa.
"Hoy! Invisible ba ako sa paningin niyo kaya hindi niyo ako napapansin?!"
Naghagalpakan kami ng tawa sa sinabi ng kaisa-isang prinsesa sa grupo namin.
Si Scarlet talaga masyadong halata. Mawala lang sa paningin niya si Red, natataranta na siya. Hindi lang siya pansinin nito, nagtatampo na sya kaagad. Siguro ganoon lang talaga kase laging may malaking part si Red sa buhay niya. Mahal niya e.
Naalala ko nung mga bata pa kami. Laging naiirita si Red kapag gustong sumama ni Scarlet sa galaan namin. Exclusively for boys pa naman yun, kaso nag-iiyak ng todo si Scarlet para lang mapilit kami na isama siya. In the end, bumili kami ng ice cream at siya ang inutusan namin.
"Bakit ba kase ayaw niyo akong isama?!"
Kahit na umiiyak na, nakasigaw pa rin. Amazona talaga si Scarlet.
Napapadyak sa sahig si Red saka hinila patayo si Scarlet.
"Sige na. Isasama ka na namin."
Nagulat ako sa pagpayag nito. Nagkatinginan kami ni Gray. He shrugged.
"Talaga?"
Para namang nagliwanag ang kanina lang ay nagdidilim na mukha ni Scarlet. Tumango si Red. Mabilis na pinunasan ni Scarlet ang pisngi niyang basang-basa ng luha.
Binulungan ko si Red kung bakit siya pumayag. Tiningnan niya lang ako na para bang sinasabi niyang manahimik na lang ako at siya na ang bahala.
"Pero bago tayo umalis, bumili ka muna ng icrecream."
Napakunot ang noo ni Scarlet.
"Ice cream?"
"Oo. Bigla akong nagutom."
Biglang parang may nasindihang bombilya sa ibabaw ng ulo ko. Napangisi naman si Gray.
Gago talaga si Red. Mukhang alam ko na ang balak niya.
Awtomatiko namang nag-abot ng isang-daan si Gray na inabot naman ni Scarlet. Kahit na naguguluhan siya, nagawa niya pa ring itanong kung anong flavor ang gusto namin.
Pinipigilan ko lang ang sarili ko na mapailing. Nakakatawa kase kung paanong napakainosente ng mukha niya. Hindi niya makitang pinagtitripan lang siya netong si Red.
"Mango flavor. Masarap ang mangga tuwing summer."
Nakangiting tumango siya sa sinabi ni Red.
"Okay. Hintayin niyo ako ah?"
Saka naman ito tumakbo.
Nang makalayo na siya, saka na naglakad si Red na sinundan namin ni Gray.
"Asshole."
Natatawang sabi ni Gray.
Alam kong sa pagbalik ni Scarlet, wala na siyang maabutan. Kaya para pampalubag-loob, may apat siyang icecream na pwede niyang kainin habang isinusumpa niya kaming tatlo sa pag-iwan sa kanya.
BINABASA MO ANG
To Believe Again
Novela Juvenil"Bakit ba hindi ka na lang magtiwala sa akin?" Umiiyak na sabi niya. Gusto kong punasan yung mga luha niya, gustong-gusto kong patigilin siya sa pag-iyak. Ayoko makitang nasasaktan siya lalo na't ako ang dahilan. "May tiwala ako sa'yo, sobra-sobra...