☆ 2: 3 plus 1 ☆

182 14 6
                                    


TUMAYO ako at binigyan pa ng isang pahabol na tadyak sa binti si Damulag bago ako lumapit kila Blue, Gray, at Red.

Ako at silang tatlo ang bumubumuo sa 3+1.

Inirapan ko si Red. Anong nice one? Tsk.

"Umatras na kayo. Kaya ko na 'to."

Pagkasabi ko niyan, tumawa ng pagak si Red na kinakunot ng noo ko. Tingin niya ba nagbibiro ako? The hell.

Nagkatinginan silang tatlo.

"Scarlet, bakit ka lumalaban ng mag-isa? Akala ko ba laban ng isa, laban ng three plus one?"

Himutok ni Gray.

Sasagot sana ako kaso umepal naman 'tong si Red.

Yumuko siya ng konti para tapatan ang mukha ko. Kupal talaga. Pinapamukha niya na matangkad siya at dapat lang na tingalain ko siya, kaya niya yan ginagawa.

"FYI, HINDI ikaw ang humingi ng tulong KO o NAMIN kung hindi si SHARLENE." Nilingon niya si Sharlene. Pero mabilis din niyang binawi yun at tiningnan ako ng nang-aasar.

Ganyan yan si RED.

Hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi niya ako naaasar.

Kahit anong tapang ko, ewan ko bakit tablado ako pagdating sa kanya. Mas mahangin kase kaya siguro ganon.

"Kaya huwag na huwag mo akong papaalisin. O baka iniisip mo na nandito kami para i-rescue ka? Ha?"

"Ang kapal ng mukha mo!!"

He smirked. Scrap that.

"Alam kong napopogian ka sakin kaya wag mong isigaw. Medyo nakakahiya kase."

He added. Konti na lang sasabog na ako. Baka imbes na labi ni BJ ang pumutok, kanya ang mapadugo ko. Puro kayabangan ang lumalabas sa bunganga niya. Nakakairita na!

Ba't ba kase siya pa ang naturingang leader?

"Asul, Abo."

Tawag niya kila Blue at Gray.

"Hawakan niyo nga muna 'tong si Scarlet. Bantayan niyo. Baka mapurnada diskarte ko. Makulit pa naman 'yang paslit na yan."

And right after he delivered that, he shut his back to us.

Hindi ako bingi. Maliwanag pa sa mata at malakas na pandinig ni Edward Cullen ang narinig ko. Tinawag niya akong PASLIT. Wow. So ganon na pala ang tingin niya sa'kin??

Sinamaan ko ng tingin ang likod niya na unti-unting lumalayo papalapit kay BJ na nakatayo na pala.

Okay RED, show me what you've got.

"Akin na ang bayad kung ayaw mong umuwi na kulay talong ka."

Maangas niyang utos kay damulag.
Pumuwesto sa kanan ni BJ si Sherwin at sa kaliwa naman si Paul.

Inilahad niya ang kaliwa niyang kamay. At halos mapasigaw ako sa tuwa. Hindi ko mapigilang matawa ng malakas dahil tinitigan lang iyon ni damulag.

Marahas kong inalis yung pagkakahawak nila Blue at Gray sa magkabila kong kamay. Lumakad ako palapit kay Red at dahan-dahang hinila pababa ang kamay niya. He should thank me. Ni-rescue ko siya sa pagkapahiya niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, atras na."

I said wearing my sweetest smile.

Siya naman ang mukhang pikon ngayon.

Narinig kong sinuway ako ni Gray pero binalewala ko lang yun.

Bago pa makaangal si Red, tinalikuran ko na siya.

Hindi ko naman inaasahan ang sumunod na narinig ko.

"HAHAHHAHAHAHAH."

tawa ni damulag.

Nagtawanan rin sila Sherwin at Paul. Taray. Sunud-sunuran.

"Tama na ang tawa. Baka mas marami ang hangin na mapunta  sa utak mo kesa dyan sa tiyan mo."

Tumigil naman siya.

"Ano 'to? Tumiklop ka Red kay Scarlet?? Aba. Hindi na ba si Ryle Enz David  ang lider?"

My heart stopped to beat when I heard his full name.

Ryle.
Enz.
David.

Kung  meron mang exception sa asaran, yun ay ang pagbanggit sa buong pangalan ni Red. I don't know why, but it happened na hindi na siya pwedeng tawagin sa ganun. Not even our teachers or professors.

Basta isang araw, pinagbawalan ako ni Gray at Blue na banggitin ang buo niyang pangalan. Kung ano ang rason? Silang tatlo lang ang may alam.

Hinanda ko ang sarili ko sa susunod na mangyayari.

Kinwelyuhan niya si BJ.

Nagulat naman si damulag. Pero agad din siyang nakabawi at ngumisi pa.

Dapat hindi niya na yun ginawa. Sigurado akong pagsisisihan nya yan.

"Alam mo kase, PINAKA-AYOKO SA LAHAT, ay yung tinatawag ako sa buo kong pangalan."

Sabi niya na halatang nagpipigil lang pero alam ko mamaya bubulwak na ang galit niyan.

Maikli pa naman ang pasensya nyan.

Nagkatinginan na lang kami nila Gray at Blue. Alam namin sa sarili namin na hindi namin mapipigilan si Red kapag siya na ang naagrabyado.

Tinulak ni BJ si Red. Pero hinawakan pa rin nito ang kwelyo niya. Nanlalaki naman ang mata ng dalawang alagad ni damulag. Dahil sa takot.

"Anong pake ko? Ang sarap nga e. Ryle Enz David."

Pag-uulit niya pa.

"Isa pa hindi ako magdadalawang isip na paulanan ng suntok yang bunganga mo."

"Ano bang problema mo ha Red? Porke ba ikaw ang lider ng 3+1?
Bigla ka na lang susulpot na parang prince charming. Masyado ka ring bilib sa sarili mo."

Tinanggal niya ulit yung kamay ni Red sa kwelyo niya.

No. Hindi 'to ang dapat na mangyari.

"Tandaan niyo na Congressman ang daddy ko. May kakayahan siyang padalhan kayo ng demerit papers bukas na bukas rin."

Sumabat na si Blue.

"Bakit pati pag-aaral idadamay mo? Eh kung binibigay mo yung bayad mo kay Sharlene, edi tapos na 'to. Gago. Pinaghirapan yun ng tao. Ano ba kaseng alam mo sa ganong bagay?"

Yan si Blue. I know he likes her.

"Kung ayaw niya magbayad, okay lang. Basta wag ng lumala pa 'to."

Pagsuko ni Sharlene.

Tututol sana ako. Pero si Sharlene na ang nagdesisyon.

"Kung makakapagsumbong ka sa Daddy mo. Siyempre babasagin ko muna yang mukha mo."

Inambahan na ni Red si damulag pero mabilis akong humarang. Pumikit ako. Hinahanda ko na ang sarili ko sa paglapat ng galit niyang kamao sa mukha ko. Naghintay ako ng ilang segundo bago ko imulat ang mga mata ko. Pero hanggang sa pagdilat ko, walang sumayad. Nakita kong hawak-hawak ni Gray ang kamao ni Red na muntik ng tumama sa 'kin.

"Damn it Scarlet!"

Sabay na mura ni Gray at Red.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano.  Pero may nakatutok ng baril ngayon sa kaliwang dibdib ni Red. Pistol caliber 45.

---tobecontinued---

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon