☆ 15: Cryptic Footprints ☆

56 4 0
                                    


RED

Kakapasok pa lang namin sa room nang salubungin agad ako ng mga tanong na galing kay Ciana at Sharlene.

Sinulyapan ko lang sila saka ako tumuloy-tuloy sa puwesto ko. Puro na lang tungkol sa tanga na yun ang naririnig ko.

Nadako yung mga mata ko sa sahig. Bakit naman ganito kakalat? Subject teacher pa naman namin ngayon si Master Jordan.

Magrerelaks muna sana ako kaso sumulpot na naman sa tapat ko yung dalawang babae. Hindi na talaga ako tinitigilan.

Hinawakan ako ni Sharlene sa braso.

"Red, please.. puntahan mo si Scarlet dun. Baka mapahamak siya.."

Umangat ako ng tingin sa kaniya.

Inalog-alog niya pa yung braso ko.

Tsk. Kulit naman ng chicks ni Blue.

Sinenyasan ko si Blue na paupuin niya na sa puwesto nila sila Sharlene at Ciana.

"Ano namang pake ko kung mapahamak siya?"

WALA AKONG PAKE. Kahit konti wala. Nagtatapang-tapangan siya lagi. Akala niya kaya niya lahat. Gusto niya siya lagi ang sumasalo. Gusto niya ako lagi ang susuko sa kanya. Mga babae nga naman talagang magulo. Sakit sa ulo.

Alam naming tatlo na bata pa lang ay takot na talaga sa mga multo o kahit na anong horror stuffs yang si Scarlet. Kaya nakapagtataka na nagpa-iwan siya dun. Kung inaakala niya na kakaladkarin ko siya na umalis na dun at sumama na sa amin pabalik, isang malaking joke yun. Kasama niya naman yung bago niyang kaibigan e. Edi dun na siya.

Speaking of damulag, nandito na siya.

Iniwan ako nila Ciana at tumakbo sila papalapit kay BJ.

"Asan si Scarlet?"

"Nandun sa hunted building."
Walang-gana nitong sagot saka umupo sa upuan na nasa kanan ko.

Mas lalo namang nag-alala si Sharlene.

"Teka nga. Ano bang meron dun at parang iba na yang pag-aalala mo kay Scarlet ha?"

Tanong ni Blue.

Natahimik naman siya.

Parang may kakaiba sa babaeng 'to.

Hindi ko nga lang alam kung ano.

Dumating na si Master Jordan kaya walang magawa sila Ciana kundi umupo at makinig.

Nung tumalikod na si Sir para magsulat sa board, kinalabit na naman ako ni Gray.

"Hey. Hindi ba talaga natin babalikan si Scarlet dun? 10 minutes na siyang late."

Inis ko siyang sinagot.

"Kung gusto mo ikaw na lang."

Sumabat naman si Blue.

"Hindi ka ba nag-aalala Red? Kahit konti?"

"Hindi nga! Kulit niyo naman!"

Pinilit kong hinaan ang boses ko kahit naiinis na talaga ako.

"Red.."
Tawag sa'kin ni Ciana.
May inabot siya na maliit na papel.

Binasa ko yung nakasulat doon.

Puntahan mo na si Scarlet. Ginawa niya lang naman yun para sa'yo. Tinulungan niya si BJ kase may deal sila na kapag kinampihan niya si BJ, sasabihin niya daw sa daddy niya na tigilan na kayo. Inaalala ka lang niya, I mean kayo. Kaya please. Please..

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon