☆ 4: Tarzan girl ☆

137 9 2
                                    


Kinabukasan . . .

Nagmamadali akong naghanda ng baon namin ni Dad, papasok ako sa Star University at siya naman sa office niya-- which is sa police station. Detective kase ang dad ko.

Isang buwan na lang, at makakagraduate na rin ako ng highschool! Excited na akong mag-college.

Nilagay ko sa loob ng bag niya yung isang baunan. Ganto ang daily morning routine namin.

"Dad aalis na po ako!" Sabi ko sabay halik sa magkabila niyang pisngi.

Eh super close kami ng tatay ko. Kaya ganyan ako kalambing sa kanya.

Huwag niyo ng hanapin si Mommy. Basta ang mashishare ko muna sa inyo, kami lang ni Dad ang magkasama.

Masaya akong humakbang palabas sa pintuan. Akala ko makakatakas na ako. Pero di pa pala ako lusot.

"Teka Scarlet."

Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Ginagamitan ako ni Dad ng kalmang tono ng pananalita.

Alam na niya.

"Dad, malelate na ako. Baka iwanan ako nila Red."

Pagdadahilan ko. I pouted also para mas dama.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Effective pa rin pala ang mga paawa effect ko. Yes!!

"May article tungkol sa inyo."

Article sa dyaryo..

"Ah. Wala yan Dad."

"Wala? Eh paano kung mademerit kayo?"

"Naniniwala ka po ba na binully namin si BJ?"

Napaubo si Dad habang iniinom niya yung kape niya.

"Bakit hindi ako maniniwala? Eh matapang kaya ang anak ko!"

Natatawa niyang sagot. Tssss. Kahit sarili kong ama alam na amazona ako. Natawa na rin ako.

"Sige na. Baka malate ka. Kung sakaling madamay pag-aaral niyo, ako na ang bahala."

Niyakap ko siya sa sinabi niya.

"Ang bait talaga ng daddy ko! Sabi mo yan Dad ah? Baka mapahiya tayo diyan??"

"Kelan ka pa napahiya sakin?"

Umiling-iling ako. Wala pang pangako si Dad na hindi niya natutupad.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Ikaw talaga ang best daddy! Love you dad! Ingat sa operasyon!"

"Ikaw din ingat."

At nakalabas na rin ako sa gate.

Haaaaay. What a relief.

Ang poproblemahin ko na lang, yung demerit issue. Wala namang notice. Kaya siguro ngayon pa lang kami gigisahin ng principal.

Naglakad ako papunta sa kanto. Doon kasi ang hintayan namin. Sumasabay kami ni Red at Blue kay Gray. Siya yung tinutukoy ko na may-ari ng sportscar.

"Sakay na Scarlet."

Aya ni Gray na nakaupo katabi ni Red na nasa driver's seat. Kanina pa siguro sila naghihintay.

Napansin kong si kupal pala ang magmamaneho ng service namin ngayon. Tsk

Si Blue naman ang nasa likuran.

Nginitian ko si Gray.

"Thank you Gray!"

"You are welcome."

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon