☆ 18: First Kiss ☆

56 3 0
                                    


RED PoV

"Abo, hindi ka ba nag-aalangan? "

Umiling siya bilang sagot.

Nagkatinginan kami ni Asul.

"Kailangan ko itong sabihin sa harap ng maraming tao to avoid any kind of rejection from her."

Nakangiti niya pang sabi.

Bakit ba kapag nagmamahal ang isang tao, kailangan niyang magpanggap na masaya kahit na nasasaktan naman talaga siya? Tulad na lang ni Abo.

Kinakabahan ako sa gagawin niya. Nakakabilib na para lang makuha niya yung matamis na sagot ni Scarlet, mag-eeffort siya ng ganito katindi.

Mukhang mas mauuna nga sa'kin magka-lovelife yung tibong yun.

Nakakainggit naman.

"Tutal, planado mo na yan, ibibigay ko na lang ang suporta ko. Goodluck Gray."

Sabi ni Blue. Nag-fist bump pa silang dalawa.

"Ako rin. Goodluck."

Pagkasabi ko nun, pabiro naman niya akong sinuntok sa braso ko.

Pagkatapos nun, umalis na siya papunta sa backstage.

Sinandal ko na lang yung likod ko sa back-support ng upuan.

Mala-theater ang set-up ng auditorium. Kung ibang babae lang ang liligawan sa ganitong lugar, napaka-romantic nga naman. Pero para sa abnormal na babaeng yun, wala lang yung mga ganito. Tibo yun e! Wala yung kakayahang makaramdam ng kilig.

Speaking of her, nilingon ko siya sa puwesto niya.

Nagtama naman yung mga paningin namin. Nginitian ko siya.
Hindi ko ginawa yun para asarin siya. Hindi ko naman balak na pagalitan o pasamain yung loob niya. Masakit naman kase talaga yung kamay ko. Buti na lang mabilis ang reflexes ko kaya naka-ilag ako kaagad. Kung saan-saan kase lumilipad yung utak niya. Porke birthday, gusto happy happy na.

Kitang-kita ko kung paano umikot pataas yung mga mata niya. Natawa naman ako.

"Anong nakakatawa?"

Nagtatakang tanong ni Blue. Parang naiinip na siya. Isa pa to. Hopeless romantic din kaya atat ng makasaksi ng lovestory. Mukhang seryoso na rin talaga siya kay Sharlene.

So, ako na lang pala ang wala?

"Wala. May naalala lang ako."
Pagdadahilan ko.

Tumahimik naman na kami kase nagsimula nang magsalita si Abo.

"Hi. Good morning everyone."

Ramdam ko na dinadaga na yan sa dibdib niya.

"Today, is my closest friend 18th birthday."

Tumingin siya kay Scarlet. Naiilang na ngumiti naman ito.

"And to celebrate it with you, we decided to give all of you a pair of shoe."

Nagpalakpakan naman yung mga ka-batch,kaklase at maging schoolmates namin na nandito. Marami ang estudyante ng Star University. Buti na lang talaga mayaman si Gray kaya barya lang sa kanya ang mga sapatos na yun. Branded pa naman ang bibilhin niya.

Siya talaga ang pinakamaaasahan namin kapag tungkol sa pera ang problema.

*happy birthday to you🎵*

Kinantahan siya ng iba.

Isa sa mga ayaw ni Scarlet ay atensyon. Mahiyain kase yan siya. Di lang halata.

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon