☆ 22: New Conflict ☆

49 3 0
                                    


Tahimik lang ang lahat na nakatingin at tutok na tutok ang mga mata sa screen.

Sobra akong naiilang na hindi ko alam kung bakit ganito. Pinapalabas sa screen yung video ni Gray sa sarili niya.

Saglit akong napasulyap sa kamay niya na hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

"Scarlet, you are the most amazing person I've met in this world. You have the kind of merit I cannot see in other girls. Sino pa bang babae ang magsusuot ng jogging pants habang nakapalda?"

Natawa ang lahat sa sinabi niya. Maging ako rin.

Kung bata lang ako, baka malito ako. May Gray na katabi ko, tapos may Gray na pinapanood namin sa wide screen.

"Mas lalaki ka pa nga kesa sa aming tatlo nila Blue at Red. Well infact, you have the heaviest fist among us. Daig mo pa ang lider natin."

Napatingin ako sa Gray na nasa tabi ko. Mahina ko siyang sinuntok sa braso. Sabay nginitian ko siya. He smiled back.

"You are our princess. And we are your soldiers. In case you do not know, we are always here no matter what the problem is. Remember when we decided to be as one?"

Yes. Three plus One.
I smiled at that thought.
Our squad. Kung para sa ilan, ang grupo namin ay laging naghahanap ng gulo, para naman sa karamihan, kami ay huwaran. Hindi lang sa kung anong klaseng pagkakaibigan ang meron kami, kundi dahil tumutulong kami sa pagpapanatili ng kaayusan sa West Side Street. Bukod kay Dad, na iginagalang ng lahat.

"Ngayong gagraduate na tayo, for sure, we'll hardly have this kind of moment like we used to,  when the time comes na kanya-kanya na tayo sa college life natin. Baka nga hindi na tayo magkita e. And kung magkita man, baka hanggang 'hi, hello' na lang ang lahat."

Hindi ko mapigilang huwag malungkot. Kung maari nga lang sana, huwag ng dumating ang graduation day. Dati, atat na atat akong makatapos na ng senior highschool sa Star University. Ngayon, parang gusto ko ng pigilan ang bawat paggalaw ng kamay ng orasan. Kase sa sandaling grumaduate na kami, mahihiwalay na ako sa mga kaklase ko, especially sa tatlo. Mamimiss ko yung buhay stupidyante. Lahat ng kulitan, pati mga sermon ng mga prof namin.

"Now, I don't want to waste time."

Bigla na naman akong kinabahan sa narinig ko mula sa kanya.

"Humarap ka sa Gray na katabi mo ngayon. He has something to say to you. Something's great."

Pagkatapos namatay na yung nagpeplay na video. May tumapat na spotlight sa akin at kay Gray. There is something on his smile. Parang piniplease ako.

Errr. Napakatakaw naman ng atensyon ng ilaw na nakatapat sa aming dalawa. Ramdam ko ang mga titig ng aming mga kaklase.

Alam ko na 'to. Alam ko na kung ano yung 'something's great' na sasabihin niya.

He's going to do it again.

"Scarlet. . . "

I met his eyes. I want to say no. Pero masyado ng malungkot ang kwento ng buhay niya, ayoko ng dagdagan pa yun.

Impit na nagtitilian yung mga kaklase namin at maging ang staff ng bar niya.

"I know this is really awkward. Pero kung hindi ko sa'yo itatanong, kelan pa?"

Napalunok ako. Hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa regalo na bigay ni Red.

Pakiramdam ko, nilalamig na ako ng todo para sa mga susunod pang mangyayari.

Magsasalita na ulit siya nang biglang mag-ring yung cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pants ko.

Shit.

"Uhmmm? Excuse lang ha?"

Pagpapaalam ko. Oo na. Panira talaga ng moment. Pero bukod pa sa kinakabahan ako sa pagcoconfess ni Gray, kinakabahan din ako sa diko malamang dahilan.

Red calling..
Agad kong pinindot yung accept.

"Scarlet, si Blue 'to."

Mas lumakas  yung kabog ng dibdib ko.

"Oh? Blue. Bakit mo hawak yung cellphone ni Red? Bakit ka napatawag? May nangyari ba? Okay lang ba kayo? Si Red, asan siya?"

Nagkatinginan kami ni Gray.

Sorry Gray. When it comes to Red, there's no ocean I wouldn't cross.

"Teka. Ang dami mo namang tanong e! Hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin."

Sagot ni Blue sa kabilang linya. Hula ko kumakamot pa yan sa ulo niya.

"Okay, sige. Bakit ka napatawag?"

Yari ka kay Gray. I mean, sinira mo yung momentum niya.

"Nasa hospital kami."

Hospital.

"ANO?!!!"

Sa gulat ko ay hindi ko na nakontrol ang pagtaas ng boses ko.

Bigla namang bumukas lahat ng ilaw. Tapos lumapit sa akin si Gray, kasunod niya si Ciana.

"Bakit ka sumigaw Scarlet? What's wrong?"

Nagtatakang tanong ni Ciana.
Hindi ko muna siya nasagot kase nagsalita ulit si Blue.
Tinititigan lang ako ni Gray.

"Mahabang kwento. Basta, involve na naman si BJ. Kung pupunta kayo, nasa pinakamalapit na hospital lang kami. Sige bye."

Saka niya na ako binabaan bago man lang ako makapag-paalam.

Tsk.
Binalik ko na ulit sa bulsa ko yung cellphone ko.

"Gray, Ciana..." tinitigan ko silang dalawa.

"Nasa hospital sila Blue. Hindi niya nasabi kung bakit. Basta daw involve si damulag."

Para namang kidlat na mabilis na nawala sa harapan ko si Gray.

Kinwelyuhan niya si Sherwin--kanang kamay ni damulag. Yung tawag sa grupo nila, Dinosaur Gang.

Sarap na sarap sa pagkain ang mokong. Nilapitan ko sila. Sumunod naman si Ciana.

"Bakit umalis si BJ?! Sumagot ka!"

Galit na tanong ni Gray. Takot na takot naman si Sherwin. Hinawakan ko yung isang braso ni Gray.

"Pumunta na muna tayo sa hospital."

Alam ko na ang sama ko. Kase hindi na naman matutuloy yung kanina pa gustong gawin ni Gray.

Nilakasan ko yung loob ko nung sabihin kong, "Promise, papakinggan ko kung ano man yang  sasabihin mo. Sa ngayon, puntahan muna natin sila."

Bahala na kung mahalata niyang nag-aalala ako ng todo para kay Red. Bakit ba kase si Blue ang may hawak ng cellphone niya? Bakit sa hospital pa? Napahamak ba siya? Shit. Napapamura ako sa mga worst things na pumapasok sa isip ko.

Nauna na akong lumabas sa bar nila. Narinig ko na inutusan niya yung mga staff niya na i-assist na lang ang mga maiiwan na bisita.
Sumakay na ulit kami sa motor niya.

Si Ciana naman, susunod na lang. Ayaw niya kase makatabi sa motor si Gray. Allergic ata sila sa isa't isa kase ayaw din nitong si Gray.

Pinaharurot ko yung takbo.
Ayokong mahuli ng kahit na ilang segundo. Baka kapag nalate ako, wala na akong maabutan.

Red, you're driving me crazy as hell.

---tobecontinued---

To Believe Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon